Chapter 18: Unexpected Experience

29.1K 1.3K 482
                                    

Arshen's PoV:

"I didn't know na transfer student ka pala, Honey."

While the latter just nodded her head. Now, I get it. Kaya pala parang ngayon ko lang sya nakita. Hindi familiar ang mukha nya eh.

Me and Honey chitchatted for a while. Actually, masaya syang kausap and napakajolly nyang tao. Ang dali ko lang syang makalagayan ng loob.

"Ano nga palang cours—" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang may magsalita bigla.

"Owemji, fren! Finally, nakita ka na namin." Oh, I know that voice. Mabilis akong nagbaling tingin sa pinanggalingan ng tinig.

And there, I saw my friends, Laney and Luxxe. Just like me, pang bar din ang outfit nila ngayon.

"Kanina pa kaya kami naghahanap sayo, fren." Turan ni Laney habang pinapaypayan ang sarili. Suddenly, nakita kong nalipat ang kanilang tingin sa aking likuran.

"Ohh... We know now kung bakit hindi ka sumasagot sa mga text namin." Luxxe said. Isang mapaglarong ngisi na ngayon ang nakapaskil sa kanilang labi.

"Mukha atang nawili ka kakausap kay ate girl."

I shooked my head at chineck ang aking cellphone. Oo nga, marami ng text mula sa kanila. Hindi ko napansin.

Lumapit silang dalawa sa akin. "Infairness, ang ganda ni ate girl ha." Bulong ni Laney. Well, tama naman sya. Honey is beautiful. Pero mas maganda pa rin si Yana.

Aish. Bakit ba bigla na lang pumasok sa isipan ko ang isang 'yun? Speaking of, hanggang ngayom ay ramdam ko pa rin ang matatalim nyang titig sa akin.

Oo, tama kayo nang pagkakabasa. Alam kong sya nga 'yun.

"Pakilala mo naman kami, fren."

I nodded my head to them. Now, I glanced at Honey. She's smiling widely habang nakatingin sa amin.

I faked a cough. "Ahm... Laney at Luxxe, si Honey." Pagpapakilala ko.

Nakita ko kung paano nanlaki ang kanilang mga mata at napanganga. Wait. May nasabi ba akong mali ha? Ang weird naman ng reaksyon nila.

Suddenly, I heard them squealing loudly. Mygoodness. Nakakahiya talaga ang dalawang 'to. Mabuti na lang talaga at maingay sa bar at hindi rinig ang tili nila.

"Owemji! Lumihis ka na talaga ng daan, fren!"

"Congrats dahil hindi ka na single! May girlfriend ka na!"

"Pero paano na si Miss Yana, Arshen?"

"Oo nga, paano na ang ship namin ni Luxxe?"

Ilan lang 'yan sa mga sunod-sunod nilang nasabi. Nasapo ko na lang ang aking mukha. Gosh. Ang dami.

"Pwede bang isa-isa lang ha?" Masungit kong turan. "Atsaka ano bang sinasabi nyo riyan? Straight pa rin kaya ako!"

Alam ko 'yan sa sarili ko. I'm still straight. Medyo, as in medyo bumabaliko pa lang naman. Hmp.

"Pangalawa, single pa rin ako which is not a good thing. Gusto ko ng maging in a relationship." I said that caused Honey to laugh. Hindi pa dumadating 'yung hinihingi ko kay Lord eh.

"Pangatlo, anong kinalaman dito ni Miss Yana ha?" Balik-tanong ko sa kanila. Aba, may pa ship-ship pa silang nalalaman. Bakit hindi man lang ako ini-inform?

They pouted. "Feel kasi namin na may something sa inyo."

"Edi mali 'yang feeling nyo. Walang something sa amin." Sagot ko. Suddenly, naging malungkot ang expression nila.  Ewan ko ba sa mga ito.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon