Arshen's PoV:
"Gosh, Arshen. Ayan lang ba talaga ang gamit na dadalhin mo?"
Napakunot-noo naman ako dahil doon. What's wrong with my things. "Bakit? Masyado bang marami, Samantha?"
"Oo. Sobrang dami talaga Arshen." She said with a hint of sarcasm on her voice at inirapan pa talaga ako. "Mygoodness. Aabot ka ng ilang buwan doon, hindi ilang araw lang."
Hmp. Nakalimutan na ata nya na nandoon ang family ko and obviously, may mga gamit ako sa house namin.
"Grabe, pwede na kitang maging mommy sa pagpapaalala mo." I said to her at tinakpan ang aking tenga. In an instance, nakatanggap ako ng isang hampas mula sa kanya.
Samantha's gritting her teeth and she's also sending me her death glares.
"Bwiset ka talaga! Ganon na ba ako katanda?" For sure, nagngingitngit na ang kalooban nitong isang 'to.
I chuckled because of that. Ayaw kasi ni Samantha na inaasar ko sya sa kanyang age. Ewan ko ba sa isang 'to. She's 33 and yet, nafefeel nya na raw na matanda na sya.
So that means, she's 30 years old noong mag-asawa sila ni Mr. Del Fierro na that time ay 43 years old. Well, hindi naman halata because they do look good. Nandoon pa rin ang kakisigan at kagandahan nila.
I composed myself at ipinagpatuloy ang naudlot kong pag-aayos. I'm fixing my things right now. I still need to go to the Philippines dahil pinirmahan ko na ang contract. Well, mamaya na rin kasi ang flight ko. I need to do my job as soon as possible para mas maaga akong matapos.
I already contacted my secretary saying na mawawala ako ng ilang buwan. He's one of my trusted people.
If ever man na may magtraydor sa akin, malalaman ko agad 'yun. I have my eyes on my company kaya hindi ako nag-aalala.
I'm busy arranging my things nang may isang makaagaw ng pansin ko. I saw my diary. Dito ko sinusulat lahat ng nangyari sa akin after we broke up.
I smiled bitterly and started to browse the things that I had written for the past few years. I'm so glad na nandito na ako ngayon and I know to myself na nagbago na ako. It's for the better.
I closed my diary bago ito isinilid sa aking dalang luggage. Napatingin naman ako kay Samantha na ngayon ay prenteng-prenteng nakaupo sa aking kama.
"What are you doing here? Wala ka bang gagawin at ako talaga ang naisipan mong pagdiskitahan ngayon ha?" I asked her.
"Tss. I have. May flight din ako mamaya eh. Ikaw na lang 'yung inaantay ko, Arshen."
I stopped putting my clothes. "What do you mean?" Oh gosh. Wag naman sana 'yung iniisip ko.
"Since pupunta ka na rin naman ng Philippines, might as well I tag along with you. Namimiss ko na rin naman ang magpunta roon and I guess, I need a vacation." Samantha said in a bored tone.
I'm surprised. Hindi ako makapaniwala na sasama sya. Napailing na lang ako sa kawalan. She already said that kaya wala nang bawian.
Hay nako. Kelan ba kasi dadating ang soulmate ni Samantha? Salute to that person if she/he managed to tame this bitch.
ANG PAMILYAR NA temperatura ang sumalubong sa aming dalawa pagkatapos naming bumaba ng eroplano.
Wala pa ring nagbabago. Mainit pa rin sa Pilipinas. Well, we're a tropical country. What do I expect about that?
We're now walking towards to Samantha's car. May mga kasama rin kami na syang nagbubuhat ng mga gamit namin ngayon. Nagpahanda na sya ng ganto para raw hindi kami mahirapan.
BINABASA MO ANG
VIPER
Teen FictionHindi ko alam kung maniniwala ba ako na mayroon daw na pagala-galang tao na may lahing ahas. Ewan ko ba kung totoo na nangangain slash kumakain din sya ng mga tao. Hmp. Siguro galing lang 'yun sa mga chismis na nagpasalin-salin sa mga tao. Pero wh...