Chapter 22: I'll Be Your Girlfriend

24.6K 1.3K 558
                                    

Arshen's PoV:

"Arshen, dali na."

"Ayoko nga, Yana." I said at iniwas pa ang tingin sa kanya. On my peripheral vision, kitang-kita ko kung paano kumunot ang kanyang noo.

Baka kasi  mamaya, um-oo na lang ako. There's a part of me kasi na hindi sya kayang tiisin.

Pero hindi! I need to be firm with my decision! Ayokong gumawa ng desisyon na magsisisi ako sa huli noh.

She heaved a sigh na para bang pinapakalma nya ang kanyang sarili.

I thought aalis na sya mula sa pagkakaupo sa aking kandungan pero hindi. Bagkus, inaayos nya lang pala ang kanyang pagkakaupo.

Yes. Tama kayo nang pagkakabasa. She's sitting on my lap right now. Her arms are entangled on my nape. Actually, kanina pa 'yan eh.

Kanina pa nya ako pinipilit na um-oo sa offer nya. Hindi ko maiwasang magulat syempre. Bakit naman 'yun pumasok sa isip nya diba? Just like what I said, she's unpredictable.

She's really persistent. Hayst.

My thoughts were interrupted nang marinig kong magsalita syang muli.

"Ugh! Ano pa bang gusto mong gawin ko para lang pumayag ka?" Naghuhurumentado nitong turan.

I gulped. Nako po, nasagad na ata ang pasensya nya. Feeling ko, anytime ay pwede na syang maging machine gun. Ratatat.

"Kinakausap kita nang matino at mahinahon pero ayaw mo pa rin talaga. Tsk." By now, I can say na nainiis na sya. It was written on her face. Ang cute.

Napaismid naman ako bigla. Hmp. Eh ayaw ko nga.

"Um-oo ka na lang, Arshen. Baka gusto mong sakalin kita eiyan. Tamang-tama ang pwesto ko ngayon."

My eyes widen in shock and my mouth gaped. Hindi ko maiwasang matakot sa banta nya. Hindi makapaniwalang tinapunan ko sya ng tingin.

She's wearing her serious-face-expression.

Oh shoot! Kaya ba ganto ang position nya para always ready?

"Y-Yana, naman..." Gosh. If I know, may isang salita ang babaeng 'to. Nakakatakot talaga. "Wag, hindi pa nga ako nagkakajowa eh."

I startled when I heard that she giggled. "Precisely! Solve na ang problem mo! I'll be your girlfriend and hindi ka na magiging single." She said na para bang wala lang 'yun.

Napahilot ako sa aking sentido. Ugh! Ang babaeng ito talaga oh. Nakakastress naman sya kausap.

"Finally, mararamdaman mo nang mapunta sa isang relasyon." Dagdag pa nya. Ugh! 'Yung choice of words nya ay sobrang nakakatempt.

"Straight nga ako."

"Bakit? Ako ba hindi?" She said in a duh tone. "Atsaka hindi mo ba napapansin, lagi tayong pinagtatagpo ng tadhana?"

Realization hits me like a truck. Damn. Oo nga noh! From the start, until now. Wow. Napaisip tuloy ako bigla. May point naman si Yana.

"Pero hindi naman 'yun rason noh. Malay mo ay nagkataon lang diba." Pagrarason ko pa.

Parang ang imposible naman kasi. Hindi ko mapicture-out if ever man na maging girlfriend ko sya. Atsaka, bakit naman ako magkakajowa ng dragon—— ayt, may lahi palang ahas ang isang 'to.

"Pero hindi pagkakataon lang kapag tumama ito sayo." Itinaas pa talaga nya ang kanyang kamao at pinormang parang manununtok.

I bit my lips. May pagkasadista pala sya huhu. Ayaw kong magkagirlfriend na may lahi ni Pacman. Baka lagi akong bugbog nito kapag nagkataon.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon