Arshen's PoV:
Ilang araw na rin matapos ang insidenteng 'yun. Yung kissing session ang tinutukoy ko actually.
Gosh. Ang weird lang talaga. Everytime I close my eyes, that scene haunts the hell out of me. Biglang nagfaflash sa isipan ko.
I can't believe na nawala na ang aking precious first kiss-- err... I mean, nakatatlo na pala kaming kiss so far. Grabe talaga si Yana huhu. Hindi makatarungan!
'Pero duh, ginusto mo naman 'yun. Wag mo nang ideny.' Sabat ng mahadera kong utak.
Che! Pero may point naman talaga sya. Aish. Hindi naman ako indenial eh.
Lately, may something din akong nafifeel na hindi ko maexplain. The tingling sensation, 'yung pagbilis ng tibok ng puso ko, at marami pang iba.
Ganto 'yung mga nababasa at napapanood ko eh. Ayoko namang magconclude kaagad.
Oh my! Medyo may hint na ako kung ano 'yun, pero parang imposible naman 'yun eh. Dahil unang-una, straight kaming dalawa noh.
May isa pa akong inaalala, 'yung parents ko. They're continuously teasing me. 24/7! Grabe! Ayaw ko na huhu.
Mas lalong lumakas ang feeling nila na may namamagitan sa amin ni Yana after mahuli kaming nagkikiss. At take note, after that ay nakita nilang may hickey ako sa may partang collar bone ko.
Pwede bang ierase ko na lang sa utak nila 'yun? Ugh! Wala naman akong maisip na palusot kasi nga huli sa akto.
"Fren, dali! Baka malate tayo." Rinig kong saad ni Luxxe na syang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Kasama ko nga pala ang aking dalawang kaibigan, sya at si Laney. Wala kaming class which is good. That means free time naming tatlo. Actually, mag-uuwian na rin kasi. Last sched na kumbaga.
I heaved a sigh at nagpatianod na lang sa kanilang dalawa. Hinayaan ko na lang.
"Hayst. Bakit nga ba tayo nandito uli?" I asked nang umistop kami sa gymnasium nitong school. Malaki ito. May mini gymnasium din pero nandito kami sa main.
Pumasok kami sa loob at hindi ko maiwasang mapakunot-noo nang makita na medyo maraming students ang narito ngayon.
Anong ganap? Bakit hindi man lang ako nainform?
Nang may makita kaming bakante, mabilis kaming umupo. Tamang-tama at ang ganda ng view dito. Kitang-kita namin.
"May friendly fight kasi ang College of Tourism at College of Engineering at hindi pwedeng mamiss natin 'yun noh!" Pag-eexplain ni Laney.
Napatango-tango naman ako. So that explains why kung bakit medyo crowded ang gymnasium.
To tell you guys honestly, medyo maraming hmm... What do you call this? Ah! Alam ko na! Mga crush-able sa dalawang course na 'yun.
Libreng silay. Libreng tingin. Libreng cheer.
I smiled! Perfect ata ang timing. Baka makahanap ako ng crush dito hihihi.
"Mga Fafa ba ang maglalaro ngayon?" I asked them excitedly. But to my dismay, umiling sila bilang sagot.
"Hindi, fren! 'Yung mga pretty girls ang maglalaro ngayon." I shrugged because of that. Akala ko pa naman. Dibale, may plano naman siguro si Lord para sa akin.
"Tamang-tama dahil kailangan mo pang icheer si Miss Yana! Para naman lumayag 'yung ship naming dalawa."
Automatic na napangiwi ako nang marinig ko 'yun.
What the fork? Hanggang dito ba naman, aasarin ako kay Yana? Why naman ganon? Huhuhu.
"What do you mean by that? Ang lakas ng tama nyo ah. Wag nyo na kaming iship, hindi kami barko." Masungit kong asik. I heard them giggled. Che!
BINABASA MO ANG
VIPER
Teen FictionHindi ko alam kung maniniwala ba ako na mayroon daw na pagala-galang tao na may lahing ahas. Ewan ko ba kung totoo na nangangain slash kumakain din sya ng mga tao. Hmp. Siguro galing lang 'yun sa mga chismis na nagpasalin-salin sa mga tao. Pero wh...