Chapter 24: It Begins Here

26.4K 1.2K 276
                                    

Arshen's PoV:

"Act natural, Arshen. Hindi dapat pilit." Masungit na turan ni Yana. Using my peripheral vision, nakita kong nakaismid ang kanyang mukha.

"Siguro naman ay may alam ka na sa mga girlfriend thingy since mahilig kang magbasa at manood ng movies." Dagdag pa nya.

Napakamot na lang ako sa aking ulo. Gosh. My eyes are still on the road dahil papunta na kami ngayon sa University.

"Hindi ko alam kung kaya ko kasi hindi ko pa naman nagagawa ang mga 'yun." Duh. Wala pa kaya akong nagiging boyfriend noh. I don't have clues on what should I do though.

I heard she hissed. "Then you need to plan ahead para magmukhang couple tayong dalawa. Geez." Napataas-kilay naman ako dahil doon.

Aba't. Ako pa talaga ang mag-aadjust? Hmp. Plano nya kaya ito. Pero sige na nga, pagbibigyan ko na sya since sanay naman na ako.

"Paano natin mapapaniwala si Samantha? Pati na rin si Dad. I know that I'm getting into their nerves but I don't care. It's fun nga eh. 'Yung makita silang mainis." At tumawa pa talaga.

Hindi ko maiwasang mahintakutan. Para kasi syang demon na tumatawa. Tapos 'yung way pa huhuhu. Baka mamaya kung ano pang gawin ng isang 'to sa akin.

Pero napukaw ng attention ko 'yung sinabi nya. There's something with Yana and her family. Kahit gusto kong malaman, I guess wala naman ako sa tamang lugar.

I heaved a sigh and composed myself. Hindi na ako muling nagsalita.  Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Tanging ang tunog ng radio ang maririnig.

We reached the University in no such time. Well, maaga na rin kasi kaming umalis dahil ayaw naming makipagsabayan sa rush hour.

I turned off the engine. Nasa parking lot na kami ngayon. Akmang bababa na sana ako nang maramdamang kong may humawak sa aking pulsuhan.

Obviously, si Yana 'yun dahil sya lang naman ang kasama ko. I glanced at her at ang seryoso nitong mukha ang aking nasalubong.

"Uunti-untiin lang muna natin. Simple gestures. Keep it lowkey but don't you dare deny it ha." Ramdam ko ang diin sa tono ng kanyang boses.

I gulped. "O-Oo naman.." Gosh. May pahuli pa pala syang paalala.

Lumabas ako sa aking sasakyan at mabilis na pinagbuksan sya ng pintuan katulad ng aking ginagawa nitong mga nakaraang araw.

Now, she's wearing her neutral face at hindi pinapansin ang mga tinging ipinupukol sa kanya ng mga estudyanteng naririto.

Agaw-atensyon kasi talaga sya eventhough wala namang ginagawa si Yana. 'Yung tipong mapapatingin ka talaga.

"Hold my hand." She whispered habang naglalakad kaming dalawa.

Hindi ko maiwasang mapakagat-labi. Gosh. Tama ba ako nang narinig? Baka naman nag-iimagine lang ako.

"H-Huh? Anong sinabi mo?"

"Bingi ka ba? I said, hold my hand." Masungit nitong asik sa akin.

Mygoodness. Anong gagawin ko? Susundin ko ba ang isang 'to? Pero ano naman kayang sasabihin ng mga makakakita sa amin?

Aish. Hindi na dapat pa ako nagdadalawang-isip. Ito nga pala 'yung plano naming dalawa.

Napapikit ako nang mariin bago dahan-dahang pinagsaklob ang aming mga kamay.

Suddenly, I felt the tingling sensation the moment I held her hands. Ang weird. Ang bilis din ng kabog ng puso ko.

Hala! Ganto 'yung nababasa at napapanood ko ah.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon