Chapter 34: Get-Away with Friends

26.9K 1.1K 234
                                    

Arshen's PoV:

"Gosh. Yana, seryoso ka ba talaga? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" Hindi kasi ako makapaniwala. "Ayaw mo bang dito na lang muna?" Dagdag ko pa.

Ibinaling nya ang kanyang atensyon sa akin. Matalim na irap ang natanggap ko mula sa kanya. She crossed her arms habang matamang nakatingin sa akin.

"Tss. Idiot. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi nga? Ayaw mo ba akong kasama ha?" Masungit nitong turan.

I bit my lips. Should I tell her the truth? Eh kasi nagtatanong naman sya diba?

"O-Oo, ayaw ko nga." Nagdadalawang-isip kong sagot sa kanya. Kitang-kita ko kung paano nagbago ang kanyang expression. Uh-oh. Mukha atang hindi nya nagustuhan 'yung sinabi ko.

"And why is that huh?" Magkasalubong na ang dalawa nyang kilay. Masasama na rin ang mga tinging ibinabato nito sa akin. She's also gritting her teeth.

I gulped at nag-iwas ng tingin. Napaisip naman ako bigla. Hmm... bakit nga ba? Hindi ko rin alam eh.

I heaved a sigh. We're talking about our yearly trip naming magkakaibigan. But this year, may nagbago. Kasama ko na ngayon si Yana dahil nga "girlfriend" ko sya. Ang mga friends ko ang nagsuggest nyan ha.

"E-Err... Diba may gagawin ka pang school works?" Pagpapaalala ko pa sa kanya.

"Did you forget na tapos ko na 'yun noong nakaraang araw pa? Try even more kung maghahanap ka ng palusot." Her one eyebrow furrowed.

I mentally slapped myself. Aish. Bakit naman kasi nawala sa isipan ko 'yun?

"Wag ka na ngang ano riyan, atsaka hindi lang naman ako ang kasama. Kasama din ang friends ko." She said in a duh tone.

Well, my friends decided na makipagtag-along silang magkakaibigan sa amin. The more, the merrier nga raw. Che.

"Dapat lang talaga na kasama ako, Arshen. Kailangan kaya kitang bantayan. Mahirap na. Argh! Knowing you, mahilig ka pa naman sa..." She stopped and looked at her chest. "Malalaki at magandang tanawin."

My eyes widened in shock and my mouth gaped. Alam ko kung anong pinapahiwatig nya. D-Damn. Hindi ko alam kung anong irerespond ko sa kanya. Hindi naman ako mahilig sa ganon eh.

I bit my lips. "Heh! H-Hindi kaya. Sus. Akala mo lang 'yun. Atsaka yung sa iyo lang naman ang tinitignan ko ah. Ang ganda kasi." Depensa ko pa.

Now, it's her turn to be stunned. Hindi ko na napigilan pang tumawa. Ang epic kasi ng reaksyon nya. Pfft.

"Nakakaasar ka talaga, Arshen!" She said and smacked me really hard. Huhu. Grabe talaga ang isang 'to. Napaka-sadista.

I heaved a sigh at inantay na lang sya. By the way, I forgot to tell you na I'm here pala sa kanyang private room dahil susunduin ko sya.

Well, ngayon na kasi ang alis namin. Yeah, baka kasi mamaya ay magback-out pa sya kaya tinanong ko 'yun kanina.

Hinintay ko na lang na matapos si Yana. Nagreretouch na lang kasi sya.

"Let's go, Arshen." Yana said matapos ang ilang minuto. I nodded my head at agad nang tumayo.

Hindi pa ako nakakalayo ay narinig kong nagsimula na syang maghurementado.

"Argh! Hindi mo man lang ba ako tutulungan? Geez. Hindi ka ba naaawa sa girlfriend mo?"

"Bakit? Hindi ko naman gamit 'yan ah?" Hmp. Gagawin pa akong kargador ng isang ito. I glanced at her side at parang tinakasan ako ng lakas nang makita ang nakakatakot nyang itsura.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon