Chapter 48: The Deal

25.4K 1K 425
                                    

Arshen's PoV:

"Mygoodness, Samantha! Bakit mo naman sinabi kay Yana 'yun?" I exclaimed sa babaeng ngayon ay prenteng-prenteng nakaupo hindi kalayuan sa akin. Parang wala lang sa kanya ang lahat eh. Hay nako.

"Ugh! Sinisigawan mo ba ako, Arshen?" Nakataas-kilay nitong turan sa akin at nag crossed arms pa. She's also sending me her death glares.

Napahilot ako sa aking sentido. "That's not it... It's just that——— fuck!"

Gosh. Ang hirap talaga kapag may takot ka sa kausap mo noh? Mapapatiklop ka talaga. Kakaiba rin kasi ang isang 'to. Nagbubuga rin na parang dragon kaya mahirap galitin.

"Tss. Tinrigger nya ako and I'm also annoyed that time. Masisisi mo ba ako?" Nakaismid nitong asik. Tumayo sya at naglakad papunta sa aking kinaroroonan.

"Ano bang kinakabahala mo riyan, Arshen?" I heaved a sigh at pilit na pinakalma ang aking sarili.

"Dahil sa sinabi mo, may chance na itigil na ni Yana ang plano nya. Wala na talagang pag-asa na magkabalikan kami." Malungkot kong sagot.

I bit my lips. Masakit pa rin eh. Even though she hurts me a few years ago and until now, sya pa rin talaga ang mahal ko. Fuck it. Alam kong lahat ng sinabi ko ay babawiin ko rin.

Suddenly, nagflash sa aking isipan ang itsura ni Yana noong huli kaming nagkita. She's crying. She sobbing. At alam kong nasasaktan sya sa nalaman nya. I can still remember the disappointment in her eyes.

Samantha sat infront of me.

"Well, if that's the case at kung mangyari man 'yun... Hindi ka nya talaga mahal. Because if she really loves you, tatanggapin ka nya. Just like what you did to her." Seryosong turan nito sa akin. I glanced at her at hinayaang magsalita muna sya.

"Remember, the truth will set you free. Mas magandang nalaman na nya nang maaga para hindi kayo mas lalong magkasakitan." Napatango-tango naman ako dahil doon. May point din sya.

"Yana said that she'll win you back, right? Kung dahil sa simpleng sinabi ko lang ay titigil na kaagad sya, then she doesn't love you. Namiss nya lang ang presence mo, Arshen. Pero sa totoo lang ay hindi ka nya talaga mahal."

I clenched my fist. Ramdam na ramdam ko ang pagsikip ng aking dibdib. My heart's throbbing in pain. Hindi ko kayang isipin ang lahat ng sinabi ni Samantha.

"She loves to chase you just because of your presence. Gusto nya ng kasama at ayaw na nyang mag-isa." Her words, mapanakit. Para bang iminumulat ako sa totoong nangyayari. I can feel that I'm trembling.

"Face the reality, Arshen. Accept the truth. Ayaw kong masaktan ka na uli dahil may care pa rin naman ako sayo. Kaibigan kita, remember? Duh."

Hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit na mataray ang babaeng 'to ay ramdam na ramdam ko naman ang pagkasincere nya. Ang laki na talaga ng pinagbago ni Samantha.

"Yes. Pero... Akala ko ay nakamove on na ako. Sya pa rin talaga. I still love her." In an instance, naramdaman ko ang pagdapo ng kanyang palad sa aking pisngi.

I groaned. Ang sakit. Grabe naman ang isang 'to. Hindi man lang ako ininform.

"Oh ayan, pampagising sa reyalidad. Okay lang maging tanga ha. Pero wag mo namang araw-arawin, Arshen." Sarcastic nitong turan. She rolled her eyes at me. Suddenly, bumalik muli ang kanyang pagkaseryoso.

"Just please, magtira ka naman ng pagmamahal sa sarili mo. Baka tuluyan ka na kasing maubos." She said while tapping my shoulder. At parang doon lang ako nagising sa lahat.

I don't want to get back on that state. Never again.

"Hayaan mong makapag isip-isip muna si Yana. Allow her to realize everything."

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon