Chapter 29: First Date

25.7K 1K 259
                                    

Arshen's PoV:

"Ang lawak ng ngiti natin, friend ah. Ganyan ba kapag inlove?" Napaangat ang aking tingin sa kaibigan kong si Luxxe when I heard she said that. She's also smirking mischievously.

"Siguro may nangyaring sa inyo ni Miss Yana noh?" Laney said habang nakakalokong nakangiti sa akin.

Parang nasamid naman ako bigla dahil sa tanong nya. Gosh. Agad kong kinuha ang coke-in-can at ininom 'yun.

"H-Huy, ano bang klaseng tanong 'yan?" Nauutal kong turan at awkward pang tumawa sa kanila.

Suddenly, the memories of what happened between me and Yana flashes in my mind.

I bit my lips. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi.

Asdfghjkl! Para talagang hindi sya totoo! Never kong naimagine ang sarili ko na mapupunta sa ganoong sitwasyon huhu. Kahit na ilang araw na ang nakakalipas, hindi pa rin talaga ako makaget-over.

"Relax, Arshen. What Laney means is kung may nangyari na ba like nagdate na ba kayo?" Sabat naman ni Luxxe ngunit ang siste, nandoon pa rin ang ngisi sa kanyang labi.

Akmang magsasalita pa sana ako pero naunahan na agad ako ni Laney.  "Oops. Masyado kang halata, fren. Don't worry safe ang secret mo sa amin."

Napaface-palm na lang ako. Dapat behave na lang ako para hindi halatang guilty ako sa sinasabi nila.

We're here now in the cafeteria and as usual, break namin ngayon at sila ang kasama ko.

I scanned the surrounding, searching for the certain person who makes me question my sexuality.

Ugh! Alam ko namang straight ako pero... Dati na lang 'yun. Feeling ko kasi ay medyo nagbabago na ako eh.

Pinapagulo talaga ng husto ni Yana ang buong buhay ko. It's not that I'm complaining though.

"Ganyan ba talaga kapag inlove? Ngumingiti na lang ng mag-isa." My thoughts were interrupted because of that. Aish. Hindi ko man lang namalayan na nakangiti na pala ako.

Agad ko silang tinarayan.

"Che! Hindi kaya ak——" I stopped in my track nang maalala ang plano namin. "E-Err.... I mean, oo ganyan talaga. Kaya mainlove na rin kayo para pare-parehas na tayo."

Mas lalong lumawak ang ngiti nilang dalawa. I heaved a sigh at hindi na lang sila pinansin pa. Ayokong mastress dahil sa dalawang ito noh.

Muling sinulyapan ko si Yana. Damn. Ang ganda nya talaga.

She's sitting with her friends across our table. Kaya tamang-tama ang direksyon ko para tignan sya.

Mukha atang naramdaman nyang may nakatingin sa kanya. She lifted her head and started to look in the crowd. Hanggang sa magtama bigla ang aming mata.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. I placed my hand on the side of my heart. Gosh. Ang bilis ng kabog ng puso ko.

Argh! Kasalanan talaga ito ng babaeng 'yun eh! Ginugulo nya ang tahimik kong buhay! Pasalamat talaga si Yana na girlfriend ko sya ha.

NATAPOS ANG aking class nang parang walang pumapasok sa isip ko. Probably, lumilipad ito dahil nakatuon sa iba ang atensyon ko.

I heaved a sigh at agad na inayos na ang aking mga gamit. Kalalabas lang din ng professor namin for our last subject. Once done, nagpaalam na muna ako sa mga kaklase ko at agad nang tumayo.

Lumabas na ako ng room namin and started to make my way towards Yana's classroom.

While walking, hindi ko maiwasang makasalubong ng mga magjowa. Gosh. Ang sweet nila. Mapapawhen kaya ka na lang talaga.

VIPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon