LOVE NEVER FAILS
Ako si Elixir Cachet/Elixir Cachet Mendez dito sa mundo ng mga tao. Ako ay isang diwata mula sa Engkantadya. Lahat kami ay binigyan ng pagkakataon upang bisitahin ang mundo ng mga tao. Dalawang taon lamang kami dapat magtagal sa mundo ng mga tao kung hindi ay makatatanggap kami ng kaparusahan, ang kamatayan. Kasama ko ngayon si Alexander Clemente. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog na ang loob namin sa isa’t isa. Oo alam kong masasaktan sya kapag hindi ko pa ito pinaalam sa kanya pero sa tamang pagkakataon tsaka ko sa kanya sasabihin.
“Babe Happy 3rd monthsary sa atin.” Sabi nya sa akin. Nagsasama kami sa iisang bahay. Pumasok sya sa kwarto namin na may dalang cake, roses at isang heart shape na balloon.
“Salamat babe. Happy 3rd monthsary din.” Masaya kong sabi. Gumala kami sa kung saan-saan. Ang saya nga eh. Hindi ko akalain na ganito pala talaga kasarap umibig. Kahit labag sa rules dahil diwata ako, ginawa ko pa din. Natapos ang araw na iyon. Masaya kaming umuwi sa bahay.
“Good morning babe. May bibilhin lang ako sa labas ha. “ Sabi nya sa akin sabay halik.
“Ok babe. Ingat ka ha. I love you.” Sabi ko naman sa kanya sabay yakap.
“I love you too babe.” Sabi nya sa akin at umalis na ako sa pagkakayakap. Maya- maya ay may narinig akong tumawag sa telepono ko. Si Alex lang pala. May binili sya sa labas eh. Baka magtatanong kung ano ang gusto ko.
“Sino po ito? Kaano-ano mo po ang may-ari ng cellphone na ito?” Tanong ng nasa kabilang linya. May naririnig akong parang wang wang.
“Ako ang girlfriend nya. Bakit? Nasaan si Alex? Bakit nasa iyo ang telepono nya?” Tanong ko.
“Naaksidente po ang boyfriend mo. Nasa Asian Hospital po sya.” Ibinaba ko na ang telepono ko. Sumakay agad ako sa sasakyan ko at pumunta sa nasabing ospital. Dali-dali kong pumunta sa counter at tinanong ko kung nasaan si Alex. Parang bumagal lahat ng nasa paligid ko. Naiiyak na ako. Kahapon lang ang saya-saya namin tapos ngayon ganito. Nakarating na ako kay Alex.
“Leave us alone!” Sigaw ko at sinunod naman ng mga tao. Nagliwanag ang aking mga mata at nag-iba ng kulay.
“B-babe.. Hindi ko na kaya. Sorry ha. Hindi ko nasunod yung sinabi mo na mag-ingat. Mahal na mahal kita babe.” Sabi nya. Hinalikan ko sya sa labi nya at nagresponds naman sya. Maya-maya ay wala na akong nararamdaman na nagrerespond.
“Babe? Babe! Wag mo akong iwan!” Umiiyak na ako. Kumuha ako ng papel at ballpen.
‘Babe pagpasensyahan mo na ako. Naglihim ako. Ito nalamang ang natatanging paraan upang mailigtas kita. Isa akong diwata. Sana maniwala ka. Mahal na mahal kita. Palagi lang akong nandito sa tabi mo. Bye.’
Ibinuka ko ang bibig nya at ang akin din. Handa akong mamatay para lang sa kanya. Nagising na sya.
“Babe!” Sigaw nya. Ako naman ay nakatayo lang. Nakangiti. Hahawakan nya sana ako pero nagfade na ako.
“I love you.”
BINABASA MO ANG
2nd One-Shot Writing Contest
RandomIto ay para lamang sa mga aspiring writers. Hindi na puwede sumali ang mga published, selfpublished, soon-to-be-published writers. Thank you.