PAANO BA MAGHINTAY?
“Mag-iingat ka lagi at malayo ako sa’yo. Sana sa pagbalik ko mahintay mo ako na umaasang may babalikan pa.”wika ni Eleony Che habang tinitignan ang mukha ni Ben, her fiance.
“Hihintayin kita Mahal, maniwala ka.” Buong pusong sagot ni Ben sa kanya.
“Tandaan mo, Pangga… Mahal na mahal kita.” Si Eleony.
“Mahal na mahal din kita, Mahal. Ikaw lang at ikaw ang nagmamay-ari ng buong puso ko at pakaingatan ko ang iyong tiwala at pagmamahal sa’kin. Sana ganu’n ka rin…”
“Asahan mo, ikaw lang din ang bukod tanging mamahalin ko habang ako’y nasa malayo.” Sagot ni Eleony.
Nagyakapan silang dalawa at panay punas ng mga luha ni Eleony ganu’n din si Ben. Ngayon ang nakatakdang araw na aalis si Eleony patungong Malaysia. Magtrabaho siya roon ng isang taon at sa kanyang pag-uwi ay magpapakasal na sila ni Ben.
Nakaalis na ang eroplanong sinakyan ni Eleony pero hindi pa rin umalis si Ben sa kanyang kinatatayuan. Samantalang si Eleony ay panay naman ang iyak habang nasa loob ng eroplano.
She knows Ben na maraming babaing umaaligid dito at ‘di lang ‘yon may mga naging nobya ito nu’n na
hanggang ngayon ay hinahabol pa ang kanyang nobyo pero binaliwala lang ni Ben ito sapagkat mahal na mahal ni Ben si Eleony.
Matagal nang nakaalis ang sinakyan ni Eleony saka pa lang umuwi si Ben.
SA mga araw na lumipas panay ang pag-uusap nila sa skype at facebook. Nawala ang pangungulila sa isa’t isa at napalitan ng ngiti sa labi. Panay jokes si Ben habang si Eleony ay tumatawang nakatingin kay Ben sa camera.
Isang umaga may nagmensahe kay Eleony na may babae si Ben. Pagkabasa ni Eleony sa mensahe ay tinawagan niya agad si Ben para kumprontahin ito.
“Hello! Ben, ano ba ‘yung nabalitaan ko’ng may babae kang kinababaliwan?”
“Mahal, ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Babae? Sino?” Sagot ni Ben.
“Basta may nabalitaan akong may babae ka! Kung ganito lang ang mangyayari mabuti pa’ng maghiwalay na tayo. Ayoko sa lalaking sinungaling!” Sabay patay ng mobile ni Eleony.
Nagugulohan si Ben sa mga sinasabi ni Eleony kaya nagmadali siyang nagmensahe sa roaming number ni Eleony, pinaliwanag niya na walang babae sa buhay niya kong ‘di si Eleony lang. Ang huling mensahi niya rito ay “Paano ba ang maghintay gayong alam kong galit ka?”.
Hindi naniwala si Eleony sa mga paliwanag hanggang sa nauwi sa walang komunikasyon ng ilang buwan. Natapos na ni Eleony ang isang taon at ngayon pauwi na siya ng Pilipinas para mag bakasyon. Nakita ni Eleony si Ben sa airport.
Pagkalapit sa kanya ay lumuhod ito, limang taong din ang kanilang relasyon at buo na ang plano ni Ben.
“Mahal kita at ikaw lang ang babaing mamahalin ko. Nu’n unang mo’ng alis tinanong ko ang sarili ko, paano ba ang mag hintay? Pero naghintay pa rin ako sa iyong pagbabalik. Marry me?”
Nagulat man si Eleony sa ginawa ni Ben pero batid niyang seryoso ito sa proposal nito sa kanya.
“Yes… I love you too. I will marry you, Ben.”
BINABASA MO ANG
2nd One-Shot Writing Contest
AcakIto ay para lamang sa mga aspiring writers. Hindi na puwede sumali ang mga published, selfpublished, soon-to-be-published writers. Thank you.
