THE LOVE GODDESS
“Dahil ikaw, Rydel ay isang hopeless romantic, at umaasa na mamahalin ka ng nililigawan mo, matutupad ang iyong wish.” Nandito ako nagyon sa may Goddess Spring ng Etheria Mountains at kausap ang Love Goddess.
Siya daw ang takbuhan ng mga sawi sa pag-ibig, at umaasang mamahalin. Binigyan ako ng isang flute ng matandang ermitanyo para tawagin ang Diyosang ito. At effective nga,lumitaw siya at natupad ang hiling ko.
“Salamat mahal na diyosa.” Pasasalamat ko sa kanya sabay nagbow.
Then kumislap ang isang putting liwanag at katakatakang nateleport ako pabalik sa amin.
At tumambad sa akin si Krista, ang aking nililigawan. Matagal ko na siyang sinusuyo pero lagi akong basted sa kanya. Pero pursigido akong makuha ang loob niya.
“Babe andyan ka lang pala.” Ano daw babe??
“Ibig sabihin, mahal mo ako??” Gulat ang ekspresyon ko.
“OO naman.” Tsaka dali ko siyang niyakap.
“Salamat Love Goddess.” Bulong ko sa sarili ko.
“Anong sabi mo?” Tanong niya.
“Ahh wala, sabi ko, mahal rin kita.”
Magmula noon, naging masaya kami sa piling ng isa’t-isa. Lagi kaming magakasama. At lalong naging sweet siya sa akin. Hindi ko inexpect na magiging ganito ang lahat.
Pero hindi nagpatuloya ng masayang pagkakataong iyon,
Makalipas ang ilnag buwan, oo naging sweet , concern at mapagmahal siya sa akin. Pero sumosobra na, hindi na niya ako nabibigyan ng chance na magkaroon lang ng time na para sa akin. Kahit saan ako, andun rin siya. Kapag naman may kausap akng ibang babae, agad siyang nagseselos o kaya, susugurin niya. Hindi lahat ng oras ay dapat magkasama kami. I need space sometimes, nakakasakal na.
At narealize kong, hindi naman niya ako talaga mahal, nasa ilalim lang siya ng spell ni Love Goddess.
Oras na siguro para bumalik sa Goddess Pond at ibalik s normal ang lahat.
Pagtawid ko sa pitong bundok ay narrating ko na rin ang Goddess Pond.
Inilabas ko yung mahiwagang flute, pinatugtog at umahon sa lawa ang magandang diyosa.
“Oh Rydel, ano ang batid mo at naparito ka?’
“Hiling ko na po sana, amging normal an ang lahat.”
“Bakit, hindi ka masaya ngayon?”
“Nasasakal n ako, hindi ko na kaya. Nakakaumay na. Nakakasawa nang magamahal.”
“Tandaan mo ito, lahat nag ating hinhihiling ay may mabuti at masamang naidudulot. Di lang sa atin, kundi sa iba. Lahat nang sobra ay nakakasama. Leksyon yan para sayo. Pero dahil natutunan mo na ang leksyon mo, oras na para bumalik sa dati ang lahat.”
Pagkatapos ng mga binitawang salita ay kumislap muli ang puting liwanag at natransport nanaman ako sa amin. Bumalik na sa normal ang lahat.
Hindi na ako aasang mamahalin niya ako, kasi alam kong may kusang darating para sa akin.
BINABASA MO ANG
2nd One-Shot Writing Contest
De TodoIto ay para lamang sa mga aspiring writers. Hindi na puwede sumali ang mga published, selfpublished, soon-to-be-published writers. Thank you.