Entry #12 - Android Of Love

119 2 5
                                    

“ANDROID OF LOVE”

Love? Para lang yan sa dalawang taong nag mamahalan ng totoo, sa taong handang gawin ang lahat para sa mahal niya. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng Love?  Ito ba yung masaya ka na feeling mo nasa langit ka o yung love na umiiyak kana nga nasasaktan ka pa.

“Mahal kita kaya akin kalang ha!” isang tinig mula kay Jazpher ang taong minahal ko ng totoo pero sinuklian ako ng pangloloko. Sino siya? Yung kapag kasama mo siya nakakalimutan mo na yung mali sa tama at nagiging tanga ka kapag kaharap mo na siya.

. Ako nga pala si Eunice Dizon isang high school student na ginawa ang lahat para sa isang lalaki. Nagkakilala kami sa school isa akong freshmen student at SSG officer ng paaralan noon at siya naman ay Player sa basketball namin noon at Junior high. Isang taon ang pagitan namin sa isa't-isa pero hindi ko inintindi yun. Isang araw nilapitan niya ako at sinabing crush niya daw ako nakaramdam ako ng saya ng araw na iyon. Mabilis ang pangyayari na tila bang magic sa isang storya niligawan niya ko, pinakilala sa mga kaibigan niya at sinabing mahal niya na daw ako. Syempre ako naman pumayag sino ba namang hindi papayag sa isang basketball player, pogi at masarap magmahal. Hindi ko nga alam kung ginayuma niya ako at ang lakas ng tama ko sa kanya. Pero isang araw....

(Crassshhh) (Wang*Wang*Wang)

"Jazpher...Wag mo kong iiwan lumaban ka Please lang" ang pagiyak ko at ang pag kapit sa kamay niya ang tangi kong lakas.

"Eu--Eunice Ma-Mahal kita wag mong iisiping hindi ka naging mahalga ha?" Naghihingalo niyang sabi

"Ano bang? Jazpher wala akong pakielam sa kanila basta lumaban ka please lang"

"Miss hanggang dito dalang po kayo hindi po kayo maaring pumasok sa loob"

Ilang minuto ako nakalma ngunit..

"Hey, Ms.Dizon diba ikaw yung Ex ni Jazpher?" wait.. isa to sa mga kaibigan niya ah

"Oo ako si Dizon pero nagkakamali ka hindi niya ako ex dahil girlfriend niya AKO!" talagang ipinamukha ko sa kanya dahil mukang natutuwa pa siya sa sinabi niya.

"Hindi na ngayon Ms.Dizon" nakangisi niyang sabi

"Ano bang sinasabi mo ha?"

"Hindi mo ba alam? kaya siya pupunta sa inyo para mag paalam sayo dahil HINDI KA NA NIYA MAHAL"

"A--ano? Excuse me ano bang alam mo?" Pasigaw kong sabi sa kanya halos gulong-gulo na ang utak ko sa mga nangyayari.

"Pumasok ka sa Emergency Room alamin mo Ms. Dizon"

Hindi ko alam kung bakit ko sinunod ang sinabi niya.  Pero parang ayaw ko ng lumabas sa kwartong iyon ng makita kong....

"Time of death 1:22 pm" tinig ng doktor kasunod nito ang pagpasok ng mga kabigan niya.

"Eunice.. Sorry (pinakita nila ang mga pera pero? anong aggawin ko jan?)"

'Pinagpustahan kalang namin pero hindi namin alam na aabot sa ganto"

Pinaliwanag nila ang lahat sa akin kaya pala siya pupunta sa amin para magpaliwanag ngunit huli na ang laha. Huli na para sa amin.

Minahal ko siya pero ginago niya lang ako.

2nd One-Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon