Entry #10 - Ang Kanyang Mundo

114 3 5
                                        

ANG KANYANG MUNDO

Magising ako dahil sa ingay kaya nagmadali akong napabangon, binuksan ko ang punto na kinabigla ko. Dahil sa ibang lugar ang aking nakikita. Nang may biglang may kumapit sa bewang ko.

"Bakit ka lumabas?" sabi ng lalaki. Napatingin ako sa mukha nya at nakita ko ang green nyang mata na nakatingin sa akin.

"Pumasok ka muna" sabi nya ng may makita akong lalaking may hawak na ispada. Nakipaglabanan sya dito at nakahandusay ang lalaking at duguan.

Hinila nya ako patakbo, sumama ako dahil hindi ko alam kung bakit may ganitong pangyayari. Nakita ko ang iba pang na nakikipaglaban rin.

"Anung nangyayari?. nasaan ako?" sabi ko sa kanya ng bigla may sumugod sa kanya at dinala nya ako salikod nya. Napakapit naman ako nakita kong nakahandusay nanaman ang kalaban nya.

 

"Ipag umanhin mo na dinala kita dito.. wag kang mag alala makakaalis kana"hila nya sa akin. Hindi ko sya maintindihan kaya sumabay akong patakbo.

"Sino ka? nasaan kasi ako?" sabi ko sa kanya. At meron nanamn parating n kalaban na nilagay nya nanaman ako sa likod nya. Tulad ng nangyari sa mga iba yun din ang nangyari sa kalban nya.

"Dinala kita sa mundo ko.. at ibabalik na kita sa mundo mo.." sabi nya at napatingin ako sa kabayo sa harapan namin, sumakay sya at binuhat nya ako paakyat sa kabayo nya. Pinatakbo nya ang kabayo habang tumatakbo ang kabayo at may binigay sya sa akin.

"Itabi mo to.. basta itabi mo para makaalis ka ng maayos" sabi nya isang kwintas na kulay pula ang pendant. Napakunot ang noo ko at napatingin sa kanya. Nang makarating kami sa isang puno at doon binaba nya ako.

"Lumabas kana.. dalian mo!" sabi nya. Naguguluhan ako nang bigla nya akong itulak.

Napadilat ako nang may marinig akong ingay.

"Buti gising kana Miracle... nandito ka sa hospital lakas kasi ng trip mo eh! may sakit ka na nga sa labas kapa lumabas kapa... nakita ka nung kabitbahay natin na kakalipat lang nakahiga ka daw sa lupa malapit sa isang puno... baliw ka ba?" sabi ng kaibingan ko. Naguguluhan ako sa sinabi nya.

Naalala ko yung kwintas.

 

"Oh? bakit?" sabi nya.

"Yung  kwintas?.. may nakita kang kwintas?" sabi ko.

"Ay!.. oo nasa  leeg mo.. kumain ka nga muna!"

Napakapa ako sa leeg ko at nakita ko ang kwintas, ang ibig sabihin totoo ang nangyari. Pero nasaan na sya? gusto  syang makita nasaan na kaya sya?.

 

"Okey kalang ba?" Yuna.

May kumatok sa pinto at agad naman binuksan ni Yuna ang pinto.

"Girl!, si Troy nga pala ang nagdala sayo dito" rinig ko ng sabi ni Yura.

"Ikaw?!" sabi ko.

"Maiwan ko muna kayo" sabi ni Yura at lumabas ito.

 

"Alam kong naguguluhan ka pero nandito ako para magpaalam sayo isa akong Prinsepe sa kaharian namin kung saan kita dinala, paalam!" sabi nya at lumabas na sa kwarto. Gusto ko sya tanungin kung bakit nya ako dinala doon, pero ang alam ko lang ,na totoo ang nangyari at hindi  iyon panaginip lang.

2nd One-Shot Writing ContestMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon