Entry #6 - Second Chance

161 4 6
                                        

SECOND CHANCE

WALA nang mahiling si Rose  sa relasyon nila ni Glen. Sa tuwing magkasama sila’y pinaparamdam nito sa kanya kung gaano siya kamahal ng kasintahan.

Subalit  dumating ang pagkakataon na kailangan nilang lumayo sa isa’t isa. “Gha, mag-iingat ka d’on sa bansang pupuntahan mo, ha.” Paalala ni Glen sa kanya. Papunta kasi siya sa ibang bansa upang magtrabaho.

“Oo Gha, ikaw mag-iingat ka rin d’on.” Sa Cebu naman madestino si Glen ng kompayang pinagtatrabahuan nito.

Hanggang sa animo'y isang bulang nawala si Glen. Basta na lamang nawala ang binata at nawalan na sila ng communication sa isa’t isa. Simula naganap  ang pangyayaring iyon ay pilit kinalimutan ni Rose ang nobyong si Glen. Masakit man ngunit kailangan niyang tanggapin ang katotohanan. Naiisip niya na pinaglaruan lamang siya ng binata, kaya pilit niyang kinalimutan ito.

Apat na taon ang matulin na lumipas, nagkausap sa chatbox ng facebook si Rose at ang kanyang kapatid. Nabanggit nito na hinahanap daw siya ni Glen. Ayaw naman n’ya maniwala pero muling nabuhayan  ang kanyang nararamdam para sa binata.

Hanggang sa nagkaroon muli sila ng communication ni Glen. “Gha, please bigyan mo ako ng second change at papatunayan ko na mahal talaga kita.”

“Okay, second change and last.” Pumayag siyang makipagbalikan dito dahil sa mahal pa niya nga talaga ito.

Malayo man sila sa isa’t isa, pinaparamdam palagi muli ni Glen ang pagmamahal nito para sa kanya. They fall of dreams for their future .

Nang nakauwi ng Pilipinas si Rose ay agad silang nagkita ni Glen. Hindi niya kayang ipaliwanag ang kanyang naramdaman sa muli nilang pagkikita ng binata. Sa tagal ng panahon ngayon niya lang sila uli nagkaharap.


Malapad  ngiting gumuhit sa labi ni Glen nang makita siya.  Labis itong nanabik na makita siya at makasamang muli.

“Hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sa'yo, Gha.” Ani Glen sabay hawak sa kanyang kamay na ikinabigla niya.

Nang tingalain niya si Glen, matatamis na ngiti nito ang kanyang nakikita. Her heart beat fast as can.

"Titigan mo lang ba ako, Palangga?" nakangiting tanong ni Glen.


Subalit wala pa rin reaksiyon mula kay Rose, nakatingin pa rin siya sa guwapong mukha ng nobyo.


Giniya siya ni Glen na maglakad-lakad sa tabing dagat habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya. “Glen, hindi ako nagsisi na binigyan kita ng second change.” Mula sa pusong sambit niya.

Maya-maya’y binitawan ni Glen ang kanyang kamay, at nauna itong lumakad. Pagkatapos ay humarap at sabay lumuhod si Glen. Isang maliit na kahon na kulay pula ang inilabas ni Glen mula sa bulsa nito. Nang buksan nito ang box ay bumulaga sa paningin ni Rose, ang silver ring naka- engraved doon ang kanilang mga pangalan.

"Gha, please marry me." Si Glen.

"Yes, Gha. I will marry you." Naluluhang sagot ni Rose dahil sa nag-uumapaw na kaligayahan.


Niyakap siya ni  Glen, pagkatapos n’yon inangkin nito ang mga labi ni Rose. Halik na puno ng pagsuyo, pagmamahal at pangako na habang nabubuhay ito sa mundo ay tanging siya lamang ang nag-iisang babaeng mamahalin ni Glen.

2nd One-Shot Writing ContestMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon