MAGIA, PRINSESA NGA BA?
I am Magia. I am 12 years old .Lumaki ako kasama si Lolo.Sabi ni lolo maraming mga diwata ang lumalabas tuwing gabi pero lagi ako naghihintay pero kahit isa wala akong nakita. Sabi pa ni Lolo balang araw makakita din ako ng isang diwata na magsusundo sa akin at maghahatid papuntang El Califato at ang sabi niya ay huwag daw ako sasama.
Isang araw habang natutulog ako ginising ako ni lolo.
"Magia,Magia,apo.gising!"
"Lolo,gabi na ha? Bakit mo po ako ginigising?"
"May mga diwata na gustong kunin ka. Halika tumayo ka at aalis tayo"
"Lolo!" Hinila ako ni Lolo paalis ng bahay. Pero? Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari.
Habang tumatakbo kami ay may humarang sa amin na dalawang kakaibang nilalang.
"Tigil,Adolfo,ngayon natunton na namin ang pinagtataguan mo.Ibigay mo na sa amin ang Prinsesa."
"Hinding-hindi ko ibibigay si Magia sa inyo! Umalis na kayo!"
"Mahal na Prinsesa halika't sumama ka na sa amin!"
"Ako po? Prinsesa ako?"
"Apo,huwag na huwag kang sasama sa kanila!"
"Lolo. Hindi ko po maintindihan"
"Ikukwento ko sa iyo sa tamang panahon"
"Bakit? Sa tamang panahon pa? Hindi ba pwedeng ngayon na Lolo?"
"Halika Prinsesa. Sumama ka na sa amin. Ang lalaking iyan hindi mo siya lolo. Naghihintay na sa iyo ang mga kayamanan at karangyaan kaya sumama ka na sa amin"
"Kayamanan? Karangyaan??" tanong ko sa babaeng napakaganda.
"Oo,Prinsesa Kayamanan at karangyaan na pagmamayari mo!"
"Lolo. Ikwento mo na sa akin ngayon para alam ko kung sasama ako sa kanila"
"Apo ----" Magkukwento na sana sa akin si Lolo kaso ginamitan ng kakaibang lakas si Lolo ng mga magagandang nilalang.Mga diwata ba sila?
"Okay lang po ba si Lolo?" tanong ko sa dalawang diwata.
"Oo. Pinatulog lamang namin siya Prinsesa!Halika na naghihintay na ang mga kayamanan mo mahal na Prinsesa."
"Mga kamayanan? Wow. Mabibigyan niyo po ba ako ng maraming tsokolate?"
"Sandali lang" sabi ng isang babae at nagmagic siya ng isang tsokolate!
"Ito,kainin mo mahal na Prinsesa!" Nang kinain ko ang tsokolate ay nakatulog ako at ng magising ako ay nakatali ang mga kamay ko.
"Bakit ako nandito?" tanong ko sa kasama ko.
"Katulad kitang naloko nila. Sinabihan ka rin ba nila na Prinsesa ka? "
"Oo."
Halos nag-sisisi ako dahil naloko nila ako. Umiiyak ako araw-araw dahil namimiss ko na si Lolo pero noong tinanong ko sila kung ano na ang nanyari kay Lolo ang sabi nila patay na daw siya. Araw-araw nila kaming inaalipin. Si Krissa nga na kaisa-isa kong kaibigan ay inalay nila sa Panginoon nila. Natatakot ako dahil sabi nila ako na daw ang susunod na iaalay.
"Ayaw ko po"
"Hinihintay ka na ng aming Panginoon!"
"Ayaw ko nga po sabi!"
Nagpumigil ako pero mas malakas sila sa akin.
"Siya na ba ang kakainin ko?"
"Opo"
"Balatan niyo na siya at hatiin sa maraming maliliit na parte!"
Babalatan na nila sana ako ng............
"Magia,Apo,Magia!"
"Lolo?"
"Kanina pa kita ginigising pero hindi ka magising"
"Lolo" Niyakap ko si Lolo ng mahigpit at ngayon ko lang napatanto na lahat ay PANAGINIP LAMANG. Na hindi totoong patay na si Lolo. Na lahat ng sakit at pangaapi nila ay panaginip lang.
Dahil sa panaginip na iyon. Hindi na ako kailanman magpapasilaw sa kayamanan at karangyaan.

BINABASA MO ANG
2nd One-Shot Writing Contest
De TodoIto ay para lamang sa mga aspiring writers. Hindi na puwede sumali ang mga published, selfpublished, soon-to-be-published writers. Thank you.