Entry #16 - Para Sayo

156 5 3
                                    

 

PARA SAYO

                    “ M-Mahal kita ..” pagkatapos nyang sabihin ay nawalan na sya ng hininga. Ano bang ginawa ko para gawin sa akin ito ng mundo ?!  Pati ba ang lalaking pinakamamahal ko kukunin sa akin ?! Wala na nga akong mga magulang pati ba naman .. pati ba naman sya ..? pati ba naman si K-karl kinuha pa .. k-kung wala na sya ano pang rason ko para mabuhay ! ayoko nang ma-mabuhay.. kunin nyo na rin ako..

                       Lumipas ang ilang araw tinangka kong wakasan ang buhay ko pero bwisit bakit parang may pumupigil sa akin at nagliligtas sa akin kapag ginagawa ko na ang mga bagay na dapat mangyari sa akin ? Gusto ko na mamatay .. gusto ko na sya makasama.. gusto ko na syang makita.. gusto ko na sumaya.. bakit hindi mabigay sa akin yun ? Bakit ?!

                      “Jane walang mangyayari kung hindi ka tatayo ulit..nandito naman ako para sayo “niyakap nya ako.

                    “ Tigilan mo ako hindi kita mahal  si Karl ang mahal ko pwede ba lubayan mo ako ! “ sabay tulak ko sa kanya ..kay Marco.

                      “Hindi ko kaya ,alam kong di mo ko mahal .. pero kaya kong mag-intay kahit kamatayan. “lumuhod sya.

                    “ Kahit anong gawin mo hindi mo kayang palitan si Karl , Marco. “tumalikod ako sa kanya , wala akong panahon sa kanya , hindi naman sya ang taong mahal ko.

                    “Tutulungan kita ! “ sigaw nya , hindi ako nag-atubiling lumingon , hindi na maiaalis na patay na ang mahal ko at hindi na ulit sya pwedeng mabuhay.

                   “Bubuhayin natin si Karl ! “ agad akong napalingon. Lumapit ako sa kanya, oo desperada na ako gusto kong mabalik ang buhay ni Karl kahit ang kapalit nito ang lahat ..kahit pa buhay ko.

                 “ Paano mo naman gagawin yun ? “

                “ Hindi ako , pero dahil mahal kita at gusto kitang sumaya dadalhin kita sa kanya para mabuhay na ulit sya “ hinawakan nya ako at dinala sa sasakyan , hindi ko alam kung saan kami pupunta pero dahil gusto ko talagang mabuhay sya , gagawin ko ang lahat para sa kanya.

                 Malayu-layo ang aming narating . matapos ang byahe bumaba na kami at naglakad-lakad , ako’y namangha ng makita ko ang mga  bulaklak na nakapaligid na sa amin , walang halong biro sobrang ganda dito.

              “ Sabi na nga ba .. dadating ka ..” sabi ng lalaking naka-kapa , hindi ko maaninag ang mukha dahil sa suot nya.

           “ Gusto kong nang humiling..” ma-awtoridad na sabi ni Marco.

            “ At ano iyon ? “ sabi ng naka-kapa.

           “Buhayin mo ang mahal niya “-marco.

           “ Kapalit nito ang buhay nya “ Nagulat si Marco.

           “ S-sige tatanggapin ko. “ Nag-simula ang ritwal at lahat lahat , naninikip ang dibdib ko , unti-unting nawawala ang paningin ko , pero bago ito mawala may narinig ako.

               “ Pagka-namatay na sya ,buhayin mo ulit sya kapalit ng buhay ko” Nakakainis ka Marco ! Mahal mo talaga ako  …. higit pa sa buhay mo.

2nd One-Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon