ANGHEL DELA GUARDIA
"Anghel de la guardia mo nga ako. Maniwala ka."
"Tss. Neknek mo."
"Kailangan mong bumalik sa dating ikaw. Yung bago pa nagloko ang tatay mo."
Narindi ako nang bigla niya yung sinabi sakin. Tinalikuran ko siya. “Umalis ka nalang, hindi kita kailangan.”
"Magbago ka. Maging mabuti ka.. pag nagawa mo yun ng buong buo at bukal sa loob. Mawawala na ko sa tabi mo. Hindi mo na ko ulit makikita gaya ng gusto mo."
Tandang tanda ko pa noon. Yan ang huling usapan namin buhat nang magsimula akong magseryoso sa pagbabago.
Ginawa ko lahat kahit mahirap dahil nakasanayan ko na. Nagpakumbaba ako sa school. Humingi ako ng tawad sa mga nabully ko noon. Unti unti kong natanggap ang kamalian ko at natuto akong makonsensya dahil kasalanan ko naman talaga.
Hindi narin ako padaskong kumilos at palamura gaya ng nakagawian. Ang napabayaan at kinatatamaran kong pag-aaral noon ay na-eenjoy ko na ngayon.
Nakakatuwang isipin dahil sa lahat ng pagbabago ko ay nakagabay sa akin ang isang gwapong anghel. Si Deo yun. Masaya ako kasi kada napapahanga ko siya at pinapat niya ang ulo ko saka ako hahalikan sa noo. Sa twing tinuturuan niya ako ay di ko maiwasang kiligin... yakap yakap niya kasi ako.
Masayang mabuhay kung ganun palagi. Alam mong may tao kang masasandalan.. may gumagabay sayo. Ang sarap.kapag may lalaki kang minamahal.
Pero nakalimutan kong... anghel pala siya..
"Ayan! Masaya ako Yanel dahil nagawa ko ang aking misyon. Naging mabuting tao ka na. Masaya ako dahil natulungan kitaat makakabalik na ko sa langit." Ang lawak ng ngiti niya pero ako nasaktan sa sinabi niya.
"Deo! Naiinis ako sayo. Ang sakit sakit na! Hindi mo ba maramdaman na ayaw kong umalis ka? HA?"
"Hindi maaari ang gusto mo Yanel.."
"PERO GUSTO KONG DITO KA LANG SA TABI KO! AYOKONG MAWALA KA DEO! PLEASE... W-Wag ka namang umalis oh... M-Mahal na kita.."
Nanghihina akong napayakap sa kanya dahil nakita kong lumiliwanag na siya.
"Wag! Wag kang umalis! D-Dito ka lang please! Wag mo kong iwan!-----M-Magiging masama ako ulit pag umalis ka! M-magmumura ako u-ulit... *sobs*"
Hinaplos niya ang buhok ko.. Hindi ko na maramdaman ang bigat ng kamay niya parang hangin nalang ang naroon. Nakita ko rin naglalaho na siya sa yakap ko.
"Wag.. pag ginawa mo yun. Hindi na ako ang babalik para sayo. Maging masaya ka Yanel. Isa lamang akong instrumento para maitama ka.. para payapain ang buhay mo. Para mailagay ka sa tamang balanse ng iyong eksistensiya. Masaya ako.. dahil nakasama ko ang isang tulad mo. Wag kang mag alala.. marami rin akong bagay na natutunan sayo at masasayang alaala kasama ka. Kung malimutan man kita sa isip ko.. hinding hindi ka mawawala ang pakiramdam kong mula sayo. Yanel.. maging masaya ka gaya ng buhay na itinuro ko sayo. Maging mabuti ka.. gusto ko sa susunod, magkita rin tayo sa langit."
Iyon na ang huling sinabi niya at may lumantad sa likod niyang pakpak ng isang anghel... At sa isang iglap ay tuluyan na siyang nawala..
BINABASA MO ANG
2nd One-Shot Writing Contest
AcakIto ay para lamang sa mga aspiring writers. Hindi na puwede sumali ang mga published, selfpublished, soon-to-be-published writers. Thank you.
