ANG MAHIWAGANG LALAKI SA AKING PANAGINIP
Palagi ko siyang napapanaginipan. At sa panaginip na iyon ay malinaw kong nasisilayan ang isang gwapong lalaking may maamong mukha at magandang pangangatawan. Kung ihahambing ko ito sasa isang salita “perpekto” ang gagamitin ko. Kahit sa panaginip ko lang siya nakikita ay hindi ko maiiwasang mahumaling sakanya. Bata palang ako ay palagi ko na siyang napapanaginipan. Hanggang ngayon na nasa kolehiyo na ako ay hindi parin siya mawaglit dito. Masaya ako sa tuwing matutulog ako dahil makikita ko ulit siya. Minsan nga sumagi sa isip ko na siya ang prince charming ko. Dahil sa matagal ko na siyang kasama sa panaginip ko ay hindi ko maiwasang mahulog ang loob ko. Alam ko naman sa sarili ko na isang katangahan ang umibig sa taong ilusyon lamang. Alam kong isang katangahan ang nararamdaman kong ito para sakanya.
Marami akong nakilalang mga kalalakihan sa aming eskwelahan ngunit wala paring makakapantay sa nararamdaman ko para sakanya. Siya lang ang gusto ko at wala nang iba. Kahit anong gawin kong pagbaling ng tingin ko sa mga lalaking nagpapalipad hangin sa akin ay hindi ako nagtagumpay. Ako si Allison Rain Monteverde at ito ang aking kwento tungkol sa mahiwagang lalaki sa aking panaginip.
Kakatapos lang ng aming midterm exam at masaya akong umuwi sa aming tahanan dahil sa mataas na iskor na aking nakuha. May ngiti ako sa labi ng humiga ako para matulog. May dalawang dahilan kung bakit ako masaya at isa na doon ang pagpasa ko sa exam at ang isa naman ay makikita kong muli ang lalaking iyon. Ipinikit ko na ang mga mata ko at mahimbing ng natulog. Ngunit may luha sa mga mata ko ng ako ay magising. Malungkot ako dahil hindi ko na muli pang nakita ang mahiwagang lalaking iyon. Nais ko sanang siya ay tanungin kung bakit siya nagpapakita sa akin at gusto ko ding sabihin sakanya ang nararamdaman ko.
Lumipas ang mga gabi at hindi ko na siya muli pang napanaginipan. Nanatiling napakahiwaga para sa akin ang pagkatao ng lalaking iyon. Nagpatuloy ang aking buhay at pilit kong iwinaksi ang taong iyo sa aking isipan. Natuto akong makihalubilo sa mga tao sa paligid ko at natutong mag mahal sa kapwa ko tao. Akala ko hindi ko na siya muli pang mapapanaginipan dahil masaya na ako sa buhay kasama ang lalaking mahal ko. Aaminin ko na meron paring parte sa puso ko na umaasa na makikita ko siyang muli. Hindi naman ako nabigo dahil isang gabi habang mahimbing akong natutulog ay napanaginipan ko ulit siya. Ngunit ito ay hindi kagaya ng dati. Masaya ito na nakatingin sa akin at nabigla ako nang bigla siyang ngumiti ng napakganda at nagsalita. “Maging masaya ka at ako’y magiging masaya para sa iyo” iyon ang mga katagang sinabi niya bago siya muling naglaho. Malungkot akong ngumiti sakanya kahit hindi na niya iyon makikita pa.
Nagpatuloy ang buhay ko kasama ang aking kasintahan. Hindi ko man siya nakikita ay masaya parin ako dahil naging parte siya ng masayang buhay ko kahit sa panaginip lang.
BINABASA MO ANG
2nd One-Shot Writing Contest
AléatoireIto ay para lamang sa mga aspiring writers. Hindi na puwede sumali ang mga published, selfpublished, soon-to-be-published writers. Thank you.