Entry #13 - Wishing Well

120 3 4
                                    

WISHING WELL

“Isa lang naman ang hinihiling ko. Ang maging mayaman. Ang magkaroon ng maraming pera para, alam mo na, magustuhan ako ng mga tao. Kaya kong ibigay ang kahit ano kapalit ng kayamanan.” sinigaw ko at nagtapon ng piso sa wishing well. Natawa sa akin yung mga tao sa paligid, pero wala akong pake.

Pagkauwi sa bahay, sinermonan ako ni nanay. Nagtataka siya kung bakit raw gabi na ako umuuwi. Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso sa pagtulog.

“Psst.” bigla kong narinig. Dinilat ko ang mga mata ko pero wala naman akong makitang tao kaya natulog nalang ulit ako.

“Psst.” narinig ko na naman yun. “Nandito ako, oh.” may kumalabit sa akin mula sa likod. Napasigaw ako dahil sa takot.

“S-sino ka?! A-anong ginagawa mo dito?!”

“Ako ang tagapagpatupad ng mga kahilingan na ginagawa ng mga tao sa wishing well. Tutuparin ko ang kahilingan mo pero may kapalit.”

“A-a-anong kapalit?!”

“Kukunin ko lahat ng taong nagmamahal sayo.”

“Sige!” pagpayag ko. Hindi kasi ako malulugi kapag ganun, tutal wala namang nagmamahal sakin.

At sa pagpitik niya’y nabalot ng ginto ang bahay namin. Napuno ng salapi ang kwarto ko, at nagkaroon ako ng iba’t ibang gadgets.

“Ayan, natupad ko na ang kahilingan mo. Kukunin ko na lahat ng mga nagmamahal sayo.”

“Oh, sige. Galingan mo maghanap.”

At bigla siyang nawala sa paningin ko. Hindi parin ako makapaniwala na mayaman na ako kaya hindi ako nakatulog. Pumasok ako sa school na puyat.

“Ang pogi mo, papa Core!” sigaw ng mga kababaihan sa school. Nagulat naman ako sa sinabi nila kaya chineck ko ang sarili ko sa salamin kung pumogi nga talaga ako.

Meh, wala namang nagbago. Anyways, ayun nga, bukod sa kanila ay napansin ko rin na maraming gusto makipagkaibigan sakin. Ngayon ko lang ‘to naranasan. Ngayon ko lang naranasan ang makilala’t magustuhan ng mga tao... Pero nasan sila Teri at Lare ngayon? Silang dalawa ang bestfriend ko, eh, kaya dapat nandito sila.

Ay, oo nga pala, kinuha nga pala sila nung tumupad sa kahilingan ko.

“Core, party tayo sa inyo.” sabi ng bago kong kaibigan. Keith ang pangngalan niya.

“Sure. Mamaya?”

“Yeah. Mamaya.” at pumayag ang buong tropa.

Nang matapos ang klase ay tumungo kami samin. Nagpa-order ako ng maraming pagkain at inumin para sa kanila. Mukhang nag-eenjoy sila kaya sumaya ako.

“Magpapaload lang ako, ah.” pagpapaalam ko sa buong tropa at sumang-ayon sila. Pagkabalik ko sa bahay ay wala na ang mga gadgets at pera ko. Napaluha ako.

“Naaaaaaaaaaaay!” sigaw ko pero walang sumagot. Naaalala ko na kinuha na nga pala si Inay.

Mas lalong tumindi ang pag-iyak ko nang ma-realize ko na hindi ko dapat pinagpalit ang mga taong nagmamahal sakin para lang sa kayamanan na mabilis lang rin mawawala.

Sana... Maibalik ko pa sa dati ang lahat.

2nd One-Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon