Entry #3 - Sekreto'ng Tagapagligtas

344 5 6
                                        

SEKRETO'NG TAGA-PAGLIGTAS

               "Sino kaya sya, Ate. Di'ba sabi mo sa'kin no'ng muntik ka nang ma-aksidente ay may nagligtas sayong mukha'ng anino dahil sa sout nyang puro itim. Kagabi pinasok tayo ng magnanakaw bigla naman syang dumating?" Tanong ni Herold. Nagtataka sya kung sino'ng misteryoso'ng lalake ang tumutulong sa Ate nya.

Nakasandal sya sa gilid ng pinto dahil hinihintay nya ang nakakatanda'ng kapatid sa labas ng bahay nila, nakaupo ito at tinatali ang sintas ng sapatos.

"Alam mo'ng lalake kang tao ang daldal mo. Halika na nga at mahuhuli na tayo sa klase." Nang maka-tapos ito ay agad itong tumayo at naglakad palayo.

"Curious lang naman ako e. 'Di ka ba na-cu-curious?" Pangungulit nya at mabilis hinabol ang kapatid.

"Wala ka nga pala'ng dalang bag. Paki-lock na'rin ng pinto." Hindi lumilingo'ng utos nito sa kanya. Agad naman syang huminto sa paglalakad ng mapansing, kaya pala parang ang gaan-gaan ng katawan nya at madaling kumilos. Dali-dali syang bumalik sa bahay.

"Ano ba naman 'yan makakalimutin na ako. tsk" Napakamot sa ulo'ng aniya n'ya.

               Paglabas sa gate ay inabutan kaagad sya ng isang piraso'ng pulang bulaklak na gumamela.

"Magandang umaga Hera, para sa'yo." Nakayuko'ng ani ng binata na tila nahihiya, hawak-hawak pa ang magkabilang dulo ng damit gamit ang dalawang kamay, panay sulyap sa dalaga at saka yuyuko.

"Ang cute mo talaga Dero, at salamat sa bulaklak." Tinanggap nya ito at sinuklian ng isang matamis na ngiti.

"M-mabuti naman na gustohan mo, he-he." Tuwang-tuwang anas nito at nagpalakpak na parang bata.

"Oo, naman." Ginulo pa nya ang buhok nito.

"ehe-ehe, papunta ka bang skul, Hera? Mag-iingat ka ha?"

Tumango lang sya bilang tugon sa binata, saka ngumiti at nagpaalam.

                Tinatanaw nya itong deretso lang ang lakad. Nang hindi kalayuan bigla itong lumingon sa kanya, mabilis niya ito'ng kinawayan bilang pag-paalam at agad din syang tinugunan.

Nang mawala sa paningin n'ya ang dalaga ay kukunin na sana niya ang walis ng may bigla'ng nambatok sa ulo nya.

"Hoy isip-batang baliw! tigilan mo ang kapatid ko!" Singhal nito sa kanya.

Hindi na s'ya nagulat, hinimas-himas niya lang ang kanyang ulo at ngumisi na parang bata.

"Hi herold, ehe-ehe. Ingat ka, ehe-ehe."

"Heh, tigilan mo 'ko!" Binatukan sya'ng muli. Hindi man masakit ay natahimik na lang sya sa isang tabi.

"Tapusin mo na 'yang ginagawa mo. Abnormal ka talaga, tss." Tumatakbo'ng umalis ito. Iniwan sya'ng napa-isip kung ano ba talaga ang ginagawa nya.

               "Sino po ba s'ya mahal na pinuno?"

 

Tanong nya sa kausap habang ang paningin nya ay nasa litrato ng isang nakangiti'ng dalaga.

 

"Gusto 'ko sana'ng bantayan mo sya at kunin mo ang tiwala nya, Sa tamang panahon ay sya lang ang makakatulong sa ating kaharian at hindi nya pwedeng malaman kung sino ka talaga."

 

"At hindi nila pwede'ng mapansing, pinupro-tiktahan mo sya."

 

"Alam ko na po ang gagawin kamahalan."

 

          "Kung hindi dahil sa ate mo binalatan na kita ng buhay."Nasabi nya na lang sa sarili, napailing sya at mabilis na tinapos ang pagwawalis dahil hindi lang iyon ang magiging trabaho nya.

2nd One-Shot Writing ContestMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon