Entry #14 - The Deal

127 3 4
                                    

THE DEAL

“Bakit ganun kung kailan gusto ko nang mabuhay saka mo aalisin, bakit ganun! Bakit ako pa! Ang dami namang iba dyan,mga magnanakaw, mga nagpapakamatay, bakit ako pa!” sigaw ko habang sinusuntok ang pader. Napaupo na lang ako saka humagulgol. Bakit ba ngayon pa, kung kailan may dahilan na ako para mabuhay… “Kailangan mo nang tulong ko?” sabi nang isang boses. Tumingala ako at nakita ang isang lalaking nakakulay itim. “Sino ka?” tanong ko sakanya. “Kailangan mong mabuhay diba? Kaya kong ibigay sayo yun pero sa isang kapalit.” Kailangan kong mabuhay para sa kanya, sa taong mahal ko. “Kahit ano, ibibigay ko para lang mabuhay” sagot ko na ikinangisi niya. “Kahit sino?” Tumingin siya  sa bandang likuran ko pero hindi ko na pinansin, bagkus ay sumagot agad ako, “Kahit kaninong buhay pa yan, kailangan kong mabuhay. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ko” sabi ko sabay luhod sa harapan niya. “Sige, magpaopera kana  at masisigurado ko sayong paggising mo, bagong buhay ang naghihintay” sabi nito at bigla nalang naglahong parang bula.

@Bago ang Operasayon

Binuksan ko ang cellphone ko at napangiti nang makita ko agad sa home screen ang picture niya.

“Nak,  handa ka na ba?” tanong ni Mama, tumango ako at pumikit. Gagaling na ako beh at babalik na ulit sa dati ang lahat.

 

@Pagkatapos

Pagkabukas ng mga mata ko ay agad kong hinanap si beh. Napahinto ako sa paghahanap ng mapansin kong umiiyak si Mama. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, magaling naman na ako diba? “Ma, hindi po ba successful ang operation?” tanong ko pero nagpatuloy lang sa pag-iyak si Mama. Anong nangyayari? Imbes na sagutin ako ay binuksan na lang ni Mama ang T.V at bigla akong napako sa kama ng makita iyon. “A Graduating College student saw Dead at Her own Condo Unit” Hindi! Hindi siya si Beh! Panaginip lang to, panaginip lang! Agad akong niyakap ni Mama at hindi ko na namalayang kanina pa pala ako umiiyak.  “Ma, hindi siya si Beh, diba? Hindi siya” tanong ko kay Mama habang umiiyak na parang  bata. “Nakita nila sa kwarto niya, regalo ata niya ngayong birthday mo.” Sabi ni Mama sabay abot ng isang box at saka umalis. Kahit umiiyak, nanginginig kong binuksan ang box. Nakita ko ang ilang pictures namin, ang crane necklace niya at card.

Beh, Happy Birthday! Alam ko hindi ka masaya ngayon pero sana mapasaya ko parin ang araw mo. Huwag kang mag-alala, laging nandyan si God para sa atin and I’m sure na may mahahanap pa tayong paraan para gumaling ka. Ang wish ko para sayo ay gumaling kana at magkaroon ka pa nang maraming birthdays. I love you Beh, mahal na mahal kita…

Isasara ko na sana ang kard ng mahagip ko ang  mga salitang hindi sulat kamay ni Beh, mga salitang nagpaalala sa akin sakanya, ang nakaitim na lalaki “ bagong buhay ang naghihintay.”

“Kumusta ang iyong bagong buhay?” sabi nang isang boses. Tumingala ako at nakita ang isang lalaking nakaitim at may dalawang sungay o isang demonyo.

2nd One-Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon