🔥🔥🔥
Days pass at masaya naman kaming dalawa ni Leighton. He never fail to amuse me with his cuteness and all his surprises. Natapos na rin ang seminar naming dalawa. Kaya lang pag may seminar, hindi pa rin nawawala ang pambubwesit sa akin ni Leighton. Pinapagalitan ko nga ito kahit na boss ko pa siya. Wala akong maiirereport sa pilipinas kung ganoon palagi ang nangyayari. Baka ang ma report ko ang ginagawa niya sa akin.
We have two days left, babalik na kami sa pilipinas. Nandito kami ngayon sa kwarto na naman ni Leighton. As usual, alam na kung anong ginawa. Dahil daw wala naman gagawin bukas ay hindi niya ako tinigilan.
Nakahiga lang kami ngayon sa kanyang kama habang walang sapot at tanging comforter lang ang nakatakip sa aming dalawa.
"Two days left we are going back to the Philippines." Panimula ko naman sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng kanyang yakap sa akin. Napatingala naman ako sa kanya at nagtaka. Seryosong lang ang kanyang mukha habang nakatingin sa kung saan.
"Are you okay?" Tanong ko naman sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Napatingin naman ito sa akin.
"If we go back, will we still be like this until then?" Tanong naman niya sa akin. Natahimik naman ako dahil sa kanyang sinabi. Dahil sa kasiyahan na aking naramdaman, hindi ko na naisip kung ano ang mangyayari sa amin sa susunod na araw.
"JoceLeen, answer me. When we go back, will you push me away or you will let me stay by your side?" Seryosong tanong niya sa akin. Aalis na sana ako sa kanyang yakap ng kabigin naman niya ako pabalik sa kanyang mga bisig.
"I don't know. I'm happy when I'm with you but..." I have kids and I don't know, how will I say it to you.
Hindi ko masabi ang mga katagang iyon sa kanya. Nanatili lang itong nakatingin sa akin. Parang sinusuri niya ako. Nag iwas lang ako ng tingin sa kanya at napabuntong hininga.
Hindi naman nagtagal ay naging masigla naman ako at nakangiting tumingin sa kanya.
"Wag na muna nating isipin iyon. We have 2 days left we can still be together. I will not decide right now. I will let destiny do the work!" Pinal na sabi ko sa kanya. Unti unti namang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Hinatak naman niya ako sa isang mahigpit na yakap. Hinalikan ang aking noo. Pinikit ko nalang ang aking mata at dinama ang kanyang mahigpit na yakap.
🔥🔥🔥
"Leighton! Doon tayo!" Sabi ko naman sa kanya. Nakabusangot naman ito sa akin habang nakasunod. Sinabihan ko siya na sa arcade na muna kami. Ayaw daw niya dahil pagbata daw. Inirapan ko lang siya. Gusto niya pumunta sa restaurant pero dito ko gusto. Pinagbigyan naman niya ako.
Masaya naman akong naghanap ng pwedeng malalaruan. Nakasunod lang ito sa akin.
"Please baby. Wag na tayo dito! They all looking at us!" Bulong naman niya sa akin. Humarap naman ako sa kanya at bumulong rin pabalik.
"Dahil ang gwapo mo raw kaaya ka po tinitingnan!" Natatawang sabi ko naman sa kanya. Nag aliwalas naman ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi.
"Really?" Tanong naman niya. Napailing nalang ako at nagsimula ng maglaro. Hindi na naman ito nagpilit at todo lang ang kanyang ngiti habang nakatingin sa akin. Napabusangot naman ako at tumigil sa kakalaro. Nagtaas naman siya ng kilay sa akin.
"Why?" Tanong naman niya.
"Nagustuhan mo naman ang mga titig nila! Diyan ka! Aalis na ako! Nawalan na ako ng ganang maglaro!" Sabi ko naman sa kanya.