🔥🔥🔥
"Mr. Hinderson!" Gulat na sabi ni Mr. Garcia. Kalmado namang umalis sa pagkakasandal si Leighton sa kanyang sasakyan at lumapit sa amin. Pinalibot naman niya ang kanyang braso sa aking bewang at tumingin kay Mr. Garcia na nasa harapan namin.
"What are you doing here, Mr. Hinderson?" Kinakabahang sabi naman ni Mr. Garcia habang nakatingin kay Leighton.
"I don't know. I'm also asking you, what are you doing here with my girlfriend?" Tanong naman ni Leighton sa kanya. Napatingin naman ako kay Leighton at diristo lang siyang nakatingin kay Mr. Garcia. J
Nahagip naman ng kanyang mata ang dokumentong tungkol sa project sa kompanya ni Leighton. Hinablot naman ito ni Leighton at binuksan.
Nakita ko naman ang pamumutla ni Mr. Garcia habang binabasa ni Leighton ang laman ng dokumento. Panay naman ang kanyang tango habang nakatingin rito. Seryoso lang siya sa kanyang pagbabasa.
"Mr. Hinderson, it's not what you think it is." Sabi naman ni Mr. Garcia. Napatigil naman si Leighton sa kanyang pagbabasa at humarap dito.
"What do you think am I thinking? You know what am I thinking?" Kalmadong sabi ni Leighton. Umiling naman si Mr. Garcia at hindi na nagsalita. Nang matapos na ni Leighton basahin ang laman ng dokumento. Inilahad naman niya ito kay Mr. Garcia. Nagulat naman si Mr. Garcia sa ginawa ni Leighton.
"Keep it!" Mabilis naman akong napabalin ng tingin kay Leighton dahil sa sinabi niya. Pati si Mr. Garcia ay nagulat sa sinabi ni Leighton.
"Leighton, what are you saying?" Napatingin lang siya sa akin at hindi nagsalita.
"I said, keep it!" Sabi pa niya at ibinigay kay Mr. Garcia ang dokumento. May lihim naman na ngiti ang sumilay sa bibig ni Mr. Garcia at may kislap sa kanyang mata. Pero si Leighton ay hindi pa rin nagbabago ang kanyang reaksyon.
"Then leave." Sabi naman ni Leighton. Nagtaka naman si Mr. Garcia sa sinabi ni Leighton. Napatingin naman ako sa kanya.
"Aalis na rin ako." Sabi pa niya at akmang tatalikod ng magsalita ulit si Leighton.
"Leave my company. You're fired! I'm pulling out all your share in the company. In the end of the day you will get the money and shares." Sabi lang ni Leighton sa kanya. Nawala naman ang ngiti sa labi ni Mr. Garcia at hindi ko na alam ang gagawin ko ng hatakin lang ako ni Leighton papasok sa kanyang sasakyan. Naiwan namang nakatunganga si Mr. Garcia sa labas.
Tahimik lang kami ni Leighton habang nasa biyahe. Hindi ko natanong sa kanya kung saan kami pupunta. Hindi ko rin natanong sa kanya kung bakit siya nandodoon. Napabuntong hininga nalang ako. Nilakasan ko naman ang aking loob at humarap kay Leighton.
"Leighton..." Tawag ko naman rito. Napatingin naman siya sa akin at binalik ulit ang kanyang tingin sa daan.
"Hmm." Sagot lang niya sa akin.
"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko naman sa kanya.
"You're not answering my calls a while ago. That's why I search for your location." Sabi naman niya sa akin. Tiningnan ko naman ang aking cellphone at nakitang madami nga siyang missed calls.
"Did he hurt you?" Malambing na tanong niya sa akin. Umiling lang ako sa kanyang sinabi.
"I'm okay. I'm thankful na nandoon ka." Mahinang sabi ko naman sa kanya. Nakita ko naman siyang lihim na ngumiti.
"Nagulat ka ba na nandodoon si Mr. Garcia kanina?" Tanong ko naman sa kanya. Nagkibit balikat lang siya sa aking sinabi.
"I know that he is a traitor. But I let it slide once but I think this is enought. He already do it a lot of times." Sabi naman niya habang napabuntong hininga.