Chapter 40

268 9 1
                                    

🔥🔥🔥


"Hoy! JoceLeen, gumising ka na. Diba may pasok ka ngayon." Nagising naman ako dahil sa sigaw ni Kuya sa akin. Napatingin naman ako sa paligid ng makitang tanghali na pala. Mabilis naman akong napabangon ng makita kung ano na ang oras ngayon.

"8:30 na!" Sigaw ko naman. Napahawak naman ako sa aking noo ng mapansin na bigla nalang akong nahilo.

Pupuntahan ko sana ang kwarto kung saan natutulog ang aking mga anak pero naalala ko na umalis pala sila kasama sila Tita Bella at mommy. Napabuntong hininga nalang ako.

Nag ayos naman ako sa aking sarili at mabilis na lumabas sa aking silid. Nakita ko naman si Kuya na nandodoon sa may kusina.

"Mabuti naman umuwi ka." Sabi ko naman sa kanya. Nagkibit balikat nalang ito at uminom ng kape. Napatingin naman siya sa akin at napakunot ang kanyang noo. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang aking noo.

"Ang init mo JoceLeen. Mabuti pang wag ka nalang pumasok." Sabi naman sa akin ni Kuya. Umiling naman ako at uminom ng tubig.

"Sinat lang to. Mawawala rin ito katagalan. May gagawin pa rin ako sa opisina at kailangan ko iyong matapos ngayon." May binigay kasi si Miss Becky sa akin kagabi pagkauwi ko sa bahay. Mamayang hapon pa ipapasa. Extended na nga yon dahil nakalimutan niyang ibigay sa akin.

Tungkol naman sa pag aya sa akin ni Leighton kagabi. Hindi na iyon natuloy. Sinabihan ko siya na may kailangan akong tapusin at walang tao sa bahay namin. Hindi naman siya sumagot pero tumango naman siya sa aking sinabi. Umuwi na rin ako pagkatapos. Tumawag lang siya ng driver at pinahatid ako. May kailangan rin kasi siyang tapusin.

"Wag ka nalang kayang pumasok. Baka lumala pa yang sinabi mong sinat." Sabi naman sa akin ni Kuya. Inirapan ko lang siya at umalis na.

Nang makarating ako sa opisina ay dumiritso naman ako sa aking upuan. Nakita ko naman doon si Vivian.

"Hoy! Pinag uusapan ka nang mga empleyado dito! Bakit daw kayo magkahawak kamay ni Sir kagabi." Sabi naman niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako sa kanyang sinabi.

"Sinabi na ba niya ang totoo?" Tanong naman niya sa akin. Umiling naman ako at humarap sa kanya.

"Kaunti lang. Sabi niya kilala daw niya ako noon." Sabi ko naman sa kanya. Nakita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo dahil sa aking sinabi.

"Parang wala naman akong naalala na sinabi niya yon." Sabi naman niya.

"Huh?"

"Wag mo nang pansinin. Baka ayaw pa rin niyang sabihin sayo. Alam mo na, baka hindi ka pa handa." Sabi pa niya sa akin at nagpatuloy sa paggawa ng kanyang trabaho. Tumango nalang ako sa kanyang sinabi at sinimulan ko naman ang aking trabaho.

Tumigil naman kami at nag lunch break. Dumiritso naman kami sa canteen para kumain.

Napapikit nalang ako ng makaramdam ng pagkahilo at umiling iling.

"Joe, okay ka lang?" Tanong naman sa akin ni Vivian. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Dumiritso naman kami sa canteen at naghanap ng aming mauupuan. Nag volunteer naman si Vivian na siya na ang bumili.

Narinig ko naman ang pag vibrate ng aking cellphone kaya kinuha ko naman ito. Napangiti naman ako ng makita kung sino ang tumawag sa akin.

"Hey baby!" Bati ko naman sa kanya.

I Lust You (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon