🔥🔥🔥
Flashback...
"Lesley! Frey! Hintayin ninyo ako!" Sabi ko naman sa kanila. Hindi naman sila nakinig sa aking sinabi. Patuloy lang sila sa paglalakad. Nang maabutan ko naman sila ay hindi naman nila ako pinansin. Noong isang araw pa nila ako hindi pinapansin k upaya nagtataka na ako.
"Guys, may problema ba kayo sa akin?" Tanong ko naman sa kanila. Napatingin naman ang mga ito sa akin at seryoso ang mukha ni Freya habang nag aalangan namang ngumiti si Lesley sa akin.
"Hindi niyo na ako pinapansin." Sabi ko naman sa kanila.
"Hindi naman, may pinag uusapan lang kami." Naiilang na sabi ni Lesley. Tumango lang ako sa kanilang sinabi. Silang dalawa lang ang nag uusap. Nakikinig lang ako sa mga ito.
Nakalipas ang ilang araw ay naabutan ko naman na umiiyak si Lesley habang pinapatahan naman ito ni Freya. Nakatingin lang ako sa kanila. Hindi ako nakagawang makalapit dahil masama ang tingin sa akin ni Freya.
"Hindi niya ako mahal! Ginamit lang niya ako! Binigay ko naman sa kanya ang lahat pero wala daw talaga! Bakit siya pa?! Bakit?! Hindi naman ako nagkulang!" Sigaw naman nito. Napatalon naman ako sa gulat dahil sa kanyang sinabi. Malakas nitong pinalo ang mesa kaya nagkaroon ng ingay sa classroom.
Nakita ko naman ang pagtayo ni Lesley at lumapit sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Mabilis naman ang nangyari. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko. Mabilis niya akong sinampal. Namanhid ang aking mukha dahil doon. Masakit ang nangyari. Hindi lang dahil sa sampal pati na rin dahil tinuring ko silang kaibigan.
Wala akong alam na nagawa kong mali. Tumingin naman ako sa kanila. Sinampal na naman ako pero si Freya na ngayon.
"Nakuha mo na nga si David, kinuha mo pa ang pinsan niya!" Sigaw naman sa akin ni Freya. Napakunot naman ang aking noo kung sino ang pinapahiwatig niya.
"A-ano? W-wala akong alam kung ano ang nagawa ko?! Sinong pinsan?!" Sabi ko naman sa kanila. Hindi ko na maiwasan na maiyak dahil sa pangyayari.
"Wag ka nang mag mamaang maangan! Kinuha mo na nga si David tapos pati ang pinsan niya! Ang landi mo?! Kaibigan ka namin pero ahas ka pala! Alam mo! Alam mo na gusto namin sila pero anong ginawa mo! Tinuloy mo pa rin ang kalandian mo!" Sigaw naman sa akin ni Freya.
"Malandi ka?! Nakakadiri kang maging kaibigan!" Sigaw naman ni Lesley. Napailing nalang ako at patuloy na umiyak. Umalis naman ang dalawa habang patuloy lang ako sa pag iling. Wala naman akong kasalanan?! Hindi ko alam kung ano ang kanilang sinasabi?!
🔥🔥🔥
Napabalik naman ako sa reyalidad nang maramdaman ko naman ang maliit na kamay na nasa aking mukha. Tumingin naman ako doon. Hindi ko namalayan na umiyak na pala na ako. Pinunasan naman ni Air ang aking mga luha.
"Mommy, why are you crying?!" Malambing naman na tanong sa akin ni Wind. Tipid lang na ngiti ang binigay ko sa kanila.
"Is this because of the two girls mommy?" Tanong naman ni Air. Umiling iling lang ako at huminga ng malalim. Pinahid ko naman ang namumuong luha na ngayon ay lumabas na sa aking mata.