🔥🔥🔥
"Hoy! Kamusta naman ang paglilipat ninyo sa bahay ni sir?" Bungad naman sa akin ni Vivian ng makarating ako sa aming department. Sinamaan ko naman ito ng tingin.
"Hoy! Hinaan mo nga yang bibig mo. Baka may makarinig sa atin!" Inis naman na sabi ko sa kanya. Umiling iling lang siya. Tinulak naman niya ang kanyang upuan palapit sa akin at umakto na naghihintay.
"Ano?" Tanong ko naman sa kanya. Ipinatong naman niya ang kanyang mukha sa kanyang kamay habang nakatingin sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at inayos nalang ang aking cubicle.
"What's the tea?" Tanong naman niya sa akin. Mabilis naman akong humarap sa kanya bago nagsalita.
"Wala akong tea dito to? Doon ka sa canteen mahanap!" Inis naman na sabi ko sa kanya.
"Parang wala ka sa mood ngayon ah. Hindi ka siguro nakalasap ng 'TEA'." Nakangising sabi niya at pinagdiinan ang salitang tea. Inirapan ko naman siya.
"Bahala ka nga diyan. Umalis ka na nga. Makita pa tayo ni Miss Becky dito na hindi nagtatrabaho. Uuwi talaga tayong luhaan." Sabi ko naman sa kanya.
"Don't worry. Bihag mo naman ang puso ni boss. Jackpot ka pa rin naman kahit uuwing walang trabaho." Natatawang sabi niya sa akin bago siya bumalik sa kanyang cubicle. Napailing nalang ako sa kanyang sinabi. Kung ano ang sinasabi ng babaeng yon.
"Vivian, pake akyat nga ito sa kabilang department." Rinig ko naman na sabi ni Miss Becky.
"Eh! Ma'am, hindi ko pa nga tapos ang pinagawa mo sa akin!" Reklamo naman niya rito. Napailing nalang ako at tumayo.
"Ako na po." Sabi ko naman sa kanya. Napabalin naman silang dalawa sa akin.
"Wala ka na bang gagawin JoceLeen?" Tanong naman niya sa akin. Umiling iling nalang ako sa kanya.
"Tsk! Tsk! Tsk! Oh! Sige! Pero sa susunod Vivian! Wala ng reklamo. Si JoceLeen nalang palagi ang sumasagip sa iyo." Sabi naman niya rito. Natawa lang si Vivian at sumaludo siya rito. Napailing nalang ako at dinala ang mga dukomento na sinasabi ni Miss Becky.
Pumunta naman ako sa sinasabi niyang department at nakita ko doon si Miss Fancy, head ng department na ito. Ngumiti naman siya sa akin at ngumiti naman ako pabalik sa kanya.
"Morning po ma'am." Bati ko naman sa kanya.
"Magandang umaga rin sa iyo. Ikaw nalang palagi ang nakikita kong pumupunta dito." Sabi naman niya sa akin.
"Napag utusan lang po." Natatawang sabi ko naman sa kanya. Natawa nalang rin siya at kinuha ang aking dalang dokumento.
"Sige po ma'am, alis na po ako." Sabi ko naman sa kanya. Tumango naman ito sa akin kaya umalis naman ako doon.
Sa aking paglalakad ay nagulat nalang ako ng may biglang may kumalabit sa akin. Napatingin naman ako dito at nakitang si Sir David pala ito. Tipid lang akong ngumiti sa kanya. Ngayon ko lang ulit ito nakita simula noong nangyari sa may rooftop.
"Good morning po sir." Bati ko naman sa kanya. Napatingin naman ako sa paligid at nakitang nagbubulungan na ang mga empleyado na nakakita sa amin.
"Wag mo naman akong e sir. Alam ko naman na basted ako pero diba friends naman tayo." Sabi naman niya sa akin. Tipid nalang akong napanngiti sa sinabi niya. Naririnig na ng mga empleyado ang mga sinasabi niya sa akin.