🔥🔥🔥
"Hello JoceLeen! You're so rude. Hindi mo naman ako nirereplyan. Diba magkaibigan naman tayo." Nakangising sabi naman niya sa akin.
"H-hi David. Kamusta ka na?" Naiilang na sabi ko sa kanya at pilit na tinatanggal ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak.
"Bakit natatakot ka ba sa akin Joe?! Grabe ka naman! Parang wala naman tayong pinagdaan niya?" Sabi naman niya sa akin. Tipid lang na ngiti ang binigay ko sa kanya.
"Hoy Joe! Tara na, hindi ka pa ba uuwi!" Napatingin naman ako kay Vivian na papalapit sa amin. Napakunot naman ang kanyang noo ng makita ang aking kausap. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at siya na ang nagtanggal sa aking kamay sa pagkakahawak ni David.
"Hello Sir! Kamusta na po kayo?!" Nakangiting sabi naman ni Vivian sa kanya. Dahan dahan naman niya akong tinago sa kanyang likod.
"Oh! Vivian! The loyal friend. Ikaw rin yong nasa rooftop noong nag away kami ni Leighton, right? Did you tell JoceLeen?! Kaya na hindi siya nakikipag usap sa akin?" Inis naman na sabi niya kay Vivian. Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. At napatingin kay Vivian. Sumenyas naman siya na mamaya na niya sasabihin.
"Hindi naman po sa ganoon. Pero sir may gagawin pa po kami ni JoceLeen. Kaya pwede na po ba kaming umalis?" Tanong naman ni Vivian kay David. At hinawakan naman ni Vivian ang aking kamay para mahatak ako. Pero bago iyon ay nagsalita naman ulit si David.
"One wrong move from the both of you. One will end her life." Napatigil naman kami sa paglalakad ng marinig ang kilabot na sinabi ni David. Mahina lang ito pero sapat na para marinig naming dalawa. Nagkatingin naman kami ni Vivian na parang takot na sa mga nangyayari.
Napabuntong hininga nalang ako at tinanggal ang kamay ni Vivian na nakahawak sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mata dahil sa aking ginawa.
"What are you doing?" Tanong naman niya sa akin ng mahinang boses.
"Nababaliw ka na ba?!" Umiling iling nalang ako sa kanya.
"Just go. Ako na ang bahala rito. Ayokong madamay ka dito. Alam kong hindi niya ako sasaktan." Sabi ko naman sa kanya. Magsasalita pa sana siya ng tumango lang ako sa kanya para makalakat na ito. Napabuntong hininga naman siya at mabilis na umalis na.
Humarap naman ako kay David na ngayon nakangisi na naman habang nakatingin sa akin.
"Saan tayo pupunta?" Seryosong tanong ko naman sa kanya.
"Sa coffee shop lang naman malapit sa company. I really have something to tell you." Sabi naman niya sa akin. Tumango nalang ako sa kanyang sinabi.
Nang makapasok naman kami sa coffee shop ay naghanap naman kami ng upuan. Nag order muna siya ng kape para sa aming dalawa bago ito humarap sa akin.
"What do you want to talk about?" Tanong ko naman sa kanya.
"I'm sorry if I threatened you a while ago. I didn't mean it. I'm sorry." Sabi naman niya sa akin. Tumango nalang ako sa kanyang sinabi.
"I ask you to come here because of my mom. She want to see you again JoceLeen." Sabi naman niya sa akin. Napakunot naman ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Sa anim na taon bakit naman ako hahanapin ng mommy niya?
"Did you tell her that we broke up?" Tanong ko naman sa kanya. Umiling iling naman siya sa aking sinabi.
"What? Bakit?" Tanong ko naman sa kanya.