🔥🔥🔥
"Sir Leighton..." Mahinang sabi ko. Akala ko ay hindi niya amoy iyon. Hindi ko alam na kasama siya sa seminar na ito. Ang gusto ko ay makalimot muna sa problema pero bakit nandito siya! Gusto ko nang umuwi!
Seryoso lang ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang aking gagawin kaya nag iwas nalang ako ng tingin.
"Are you avoiding me?" Seryosong sabi niya. Nagulat naman ako at tumingin sa kanyang mata.
"Huh?" Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Parang hindi pa rin naproproseso ang nangyayari.
"I said, are you avoiding me?" Tanong ulit niya. Napalunok naman ako at napakagat nalang sa aking labi. Ayokong magsalita baka iba pa ang masabi ko sa kanya.
"Mr. Hinderson, someone want to talk to you." Sabi naman ng bagong dating. Napatingin naman siya doon.
"Okay I'll be there in a minute." Seryosong sabi naman niya dito.
"I'll talk to you later" mariin na sabi niya sa akin na parang nagbabanta. Na kung aalis ako ay patay. Umalis naman siya. Nakahinga naman ako ng maluwag at napahawak nalang sa aking maleta bilang suporta. Namamanhid ang tuhod ko dahil sa kanyang presensya.
Napabuntong hininga nalang ako at hinanap ang aking matutuluyan. Pagkapasok ko naman dito at napasandal nalang ako sa may pintuan. Marahas na napabuntong hininga. Paano ko ito iiwasan, i magkasama na kami dito. Hindi ko man lang natanong si Mae kung may makakasama ba ako. Akala ko lang ay empleyado ang sasama sa seminar pero nandito si Sir Leighton.
Sinarado ko naman ang pinto at pumunta nalang sa aking magiging kama. Humiga naman ako doon at napatingin nalang sa itaas. Kinuha ko naman ang aking cellphone at tinawagan si Vivian.
Nang ilang ring ay sumagot naman siya sa akin.
"Oh? Kamusta ka naman diyan? Napatawag ka?" Bungad nito sa akin. Napabuntong hininga naman ako.
"Anyare? May problema ba diyan?" Tanong naman niya sa akin.
"Nandito siya..."
"Sino?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Napairap naman ako. Wala akong lakas na sabihin ang pangalan niya.
"Alam mo na..."
"Parang tanga ang babaeng to! Sino nga?!" Sabi naman niya. Parang naiinis na ito sa akin.
"Si Sir..."
"What?!" Sabi naman niya sa akin. Nailayo ko naman ang aking cellphone sa aking tanga dahil sa lakas ng kanyang pagsigaw.
"Oo nga. Nagulat ako ng makita ko siya. Gusto ko ng umuwi!" Parang naiiyak na ako dahil wala talaga akong choice at makikita at makikita ko ito rito.
"Gaga ito! Kararating mo nga lang diyan. Mabuti pang iwasan mo nalang siya. Hindi naman siguro kayo magkasama sa isang meeting place or baka iba ang mga gagawin niya diba boss pa rin naman natin siya. Wag ka munang mag alala. Mas maganda, mamasyal ka muna diyan tapos bumili ka ng pasalubong sa amin. Sige?!" Excited na sabi niya sa akin. Napairap nalang ako dahil sa kanyang sinabi. Yon pa talaga ang naisip niya. Siya ng ang tinawagan ko para malaman kung ano ang dapat kung gawin.
"Sige. Sige. Mas mabuti pa nga." Pagsasang ayon ko nalang sa kanyang sinabi. Inayos ko muna ang aking maleta pagkatapos ay naligo muna ulit ako bago ko napagpasyahan na lumabas.