🔥🔥🔥Nagulat nalang ako ng hatakin ni Leighton ang aking kamay. Pumasok naman kaming dalawa sa mall habang hawak niya ang aking kamay. Napatingin naman ako sa aming kamay na nakapagsiklop. Bigla nalang nang init ang aking mukha sa kanyang ginawa.
"S-saan ba tayo pupunta Leighton?" Tanong ko naman sa kanya. Tumingin lang ito sa aking pero hindi na nagsalita.
"It's still early to eat kaya we'll just roam around." Sabi naman niya sa akin. Maglalakad lakad lang kami dito?
Napatigil nalang ako sa aking pag iisip ng bigla nalang tumigil si Leighton sa paglalakad. Napatingin naman ako kung saan kami huminto. Isang store ng mga damit. Hinatak naman niya ako papasok sa loob.
"Welcome to Callie's Fashion House." Bati naman ng isang sales lady. Napatingin naman ako sa kanyang tinitingnan. Nakatingin lang ito kay Leighton habang nakangiti. Hindi naman siya pinapansin ni Leighton dahil nakatingin lang sa kung saan si Leighton.
Hinatak na naman niya ako. Pumunta naman kami sa mga damit. Nagsimula naman si Leighton na maghanap ng mga damit. Tumingin naman ako sa paligid. Puro mga pambabae ang damit na nakahanger doon. Nasa may kabila ang mga damit na panglalaki.
"Leighton, hindi naman dito ang mga damit na panglalaki." Sabi ko naman sa kanya. Hindi lang niya ako pinansin at nagpatuloy sa paghahanap ng mga damit.
"Ah! Bibilhan mo si Lucy ng damit? Or baka naman..." Sabi ko naman sa kanya. Napatingin naman siya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.
"Baka naman ano?" Tanong naman niya sa akin. Baka bakla si Leighton. Pero parang hindi naman siguro. Napatingin naman ako sa kanya bago binuka ang aking bibig.
"Bakla ka ba?" Diritsong tanong ko naman sa kanya. Narinig ko naman ang pagsinghap ng ibang mga taong nandodoon. Kasali na ang mga saleslady na nakikinig.
Mas lalong nalukot ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi. Parang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi sa kanya.
"H-hindi naman sa naghihimasok sir. N-nagtatanong lang naman po." Magalang na sabi ko sa kanya. Doon ko lang naalala, boss ko rin pala ang lalaking ito at kung ano ano nalang ang sinasabi ko sa kanya.
"Do you think I'm a gay? What about the things that we did?" Inis naman niya na sigaw. Nanlaki naman ang aking mata sa kanyang sinabi at tinakpan ang kanyang bibig. Napatingin naman ako sa mga taong nakikinig at tipid na ngumiti.
"Hinaan mo ang boses mo baka kung ano ang isipin ng mga tao." Inis naman na sabi ko sa kanya. Tinanggal ko naman ang aking kamay sa kanyang bibig dahil dinilaan niya ito at ngumisi sa akin.
"Don't talk or think to much." Sabi lang niya sa akin at bumalik sa kanyang ginawa kanina. Nagpatuloy lang siya sa paghanap ng mga damit.
Nang may nagustuhan siya ay pinakita naman niya ito sa akin.
"Try this one." Sabi naman niya. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi.
"Huh? Bakit?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Like what I have said. Don't talk or think to much. Just go." Sabi naman niya sa akin.
"Miss!" Tawag naman niya sa isang saleslady.
"Please, bring her to the fitting room." Seryosong sabi niya dito. Ngumiti naman sa kanya ang saleslady ng nakakaakit pero wala lang ito kay Leighton. Napairap nalang ako. Parang hindi ako kasama dito. Panay ang pang aakit niya sa lalaki. Respeto naman!