🔥🔥🔥
Ilang araw na rin ang nakalipas palagi nalang may nagdadala sa akin ng bulaklak. Hindi ko alam kung sino o kanino galing ang mga ito pero napapangiti nalang ako habang binabasa ito.
'Everytime I see your smile, you make my day wonderful. Just smile always'
Napangiti naman ako napailing iling nalang. Inamoy ko naman ulit ang rosas na bigay niya, nga anonymous sender. Napailing nalang ako sa kung ano ang iniisip ko. Alam kung pag aaral muna ang aatupagin ko dahil may gusto akong maabot. Pero wala namang masama kung hayaan ko lang ito diba? Wala namang nagpakilala kaya mabuti na rin iyon.
"Hoy! JM, kanina ka pa nakangisi diyan tapos umiling iling pa." Napabalin naman ang aking tingin kay Freya na nakatingin sa akin.
"Wala!"
"Asus! Tungkol yan no sa secret admirer mo. Kanina mo pa yan tiningnan eh!" Sabi naman ni Lesley. Nilapag ko naman ang bulaklak at nilagay ko sa bag ang letter bago ako humarap sa kanila.
"Wala nga!" Umiling iling lang ang mga ito.
"Ang gwapo ni David!" Sabi naman ni Freya, kinilig kilig pa siya habang nakatingin dito na nangshoshoot ng bola. Napatingin naman ako sa lalaking nagngangalang David. Gwapo nga ito at malakas ang aura. Umiling iling nalang ako at binalin sa iba ang aking atensyon.
"Hayaan ninyo lang si Freya na magpantaysa sa lalaking yan kahit na playboy ito." Sabi pa ni Lesley.
"Pero mas bet ko yong pinsan niya. Mas gwapo at mas malakas ang aura kaysa sa lalaking yan. Playboy nga lang pero makikita mo naman sa itsura na may ikakabuga. Kaysa sa David na yan." Dugtong pa ni Lesley. Napasimangot naman si Freya sa sinabi nito.
"Hindi ko pa nakikita ang pinsan niya. Close ba silang dalawa?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman ang mga ito sa akin.
"Bakit interesado ka?" Nakangiting sabi ni Freya. Inirapan ko lang ang mga ito at nag iwas nalang ng tingin.
"Hindi ko pa nakikita sa personal siya. Oo close sila ni David. Ibang school kasi ito kaya hindi masyadong nakikita dito." Sabi naman ni Lesley. Tumango tango nalang ako at itinuon nalang ang aking pansin sa nag babasketball.
Natapos ang araw na ito ay masaya kaming naglalakad ni Lesley at Freya sa may gate. Nakita pa namin doon ang grupo nila David.
Nang makita nila kami ay nagulat nalang ako ng bigla nalang itong ngumiti sa direksyon namin. Hindi ko nalang ito pinansin baka nagkamali lang ako ng nakita. Nagulat nalang ako ng bigla nalang lumapit si David sa amin na may dala dalang bulaklak. Narinig ko naman ang ipit na tili ni Freya. Nagulat nalang ako ng bigla nalang niyang binigay sa akin ang bulaklak. Mabilis naman akong napatingin kay Freya na ngayon blanko na ang kanyang ekspresyon.
Tiningnan ko naman ang bulaklak at nagulat ako ng may makita akong pamilyar na sulat kamay na nasa letter.
"I-ikaw?!"
Napabalik naman ako sa reyalidad ng makarinig ako ng kalabog sa labas. Mabilis naman ang aking kilos at lumabas sa aking kwarto. Naabutan ko si Leighton na nakahiga sa sahig habang hawak hawak ang kanyang binti.
Mabilis ko naman itong nilapitan at inakay sa may sofa. Ano kaya ang ginagawa ng isang to ng bigla nalang itong natumba.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo?!" Inis ko naman na sabi sa kanya.
"I just..." Nag angat naman siya ng tingin sa akin. Nakita ko naman ang pamumula ng kanyang tainga. Makikita talaga ito dahil sa ilaw sa pagitan namin.
"I'm okay, you can go now." Mahinahong sabi niya. Tumango nalang ako at sinigurado na okay lang talaga siya. Napaisip naman ako, kahit na gwapo ang isang yon, may pagkatanga rin minsan. Nagkibit balikat nalang ako sa aking naisip. Pumasok naman ako sa kwarto at naramdaman ko at pagtunog ng aking cellphone. Sinarado ko muna ang aking kwarto at kinuha ang aking phone. Napangiti nalang ako sa pangalang rumihistro dito.
Puppies calling...
"Hi puppy!" Sabi ko naman.
"Mommy!" Mabilis ko naman itong nailayo dahil sabay pa talaga silang dalawa sumigaw. Natawa nalang ako. Kahit malayo sila sa akin ay napapangiti nalang ako at naiisip kung ano ang itsura nila ngayon.
"How's your day?" Tanong ko sa kanila.
"Nothing really happen mommy. Nandodoon lang kami sa opisina ni Tito Ninong tapos kumain sa labas. Tapos bumili na naman si Tito Ninong ng costume namin. It's a bee!" Masiglang sabi ni Air. Natawa nalang ako.
"Did you behave?" Malambing na tanong sa kanila.
"Of course mommy!" Mabilis na saabi ni Air. Napataas naman ang kilay ko. Hindi ako naniniwala sa sinabi niya.
"Wind, bakit ang tahimik mo?" Tanong ko sa kanya.
"Nothing mommy." Mahinang sabi ni Wind.
"Don't believe Wind mommy. He just miss you." Sabi naman ni Air at nilaglag pa ang kanyang kapatid. Natawa naman ako.
Narinig ko namang sinabihan ni Wind si Air na shut up. Nag away pa silang dalawa. Hindi naman gaanong showy si Wind kaya minsan hindi mo alam kung ano ang iniisip niya. Si Air naman ay masyadong vocal kaya si Air na minsan ang nagsasabi ng kung ano ang nararamdaman ng kakambal niya.
"Oh! I also miss the both of you." Sabi ko naman sa kanila.
"See, mommy miss us also!" Sabi pa ni Air na parang kinocomfort ang kapatid niya. Napailing nalang ako.
"Bakit gising pa kayo?" Tanong ko sa kanila.
"We're watching nemo, mommy!"
"Oh! After that brush your teeth and sleep, okay? Para mabilis kayong tumangkad." Natatawang sabi ko sa kanila. Natahimik naman ang nasa kabilang linya.
"How's the beach mommy?" Tanong naman ni Wind. Napangiti naman ako. Hindi talaga matiis nito na hindi magsalita.
"Okay lang naman. Maalat pa rin." Natatawang sabi ko.
"Mommy!" Bilang saway niya. Natawa nalang ako sa kanila.
"What?!" Natatawang tanong ko sa kanila.
"It's not funny mommy." Sabi naman ni Wind. Alam kung nakasimangot na ang isa ngayon.
"Okay, okay. But I wish you are here. I'm alone." Sabi ko sa kanila.
"Why mommy? Where's tita Ganda?" Tanong naman ni Air.
'ayon iniwan ako!'
Pero hindi ko sinabi kung ano ang nasa isip ko.
"Iba kasi ang kwarto niya kaya ayon." Para akong bata dito na nagsusumbong sa kanila.
"Joe, Matulog kana!" Nanlaki naman ang mata ko kung sino ang sumigaw. Naririnig ba niya ang aking boses sa labas?
Paano na ito? Alam ba niya kung sino ang kausap ko? Nakikinig ba ito sa akin?
"Mommy, who's that?"