🔥🔥🔥
"T-tita!" Bungad ko sa kanya. Hindi pa rin rumihistro sa aking isip na nandidito ang pinsan ni Daddy. Alam kung hindi niya parin tanggap ang nangyari sa akin. Kahit hanggang ngayon, hindi na siya pumupunta sa amin at kung magkikita man kami ay hindi niya naman ako pinapansin, kung papansinin man ay puno ng sarkastiko ang kanyang pananalita.
"Ikaw nga! Ito na pala ang pinagmamalaki mong mga anak!" Sarkastikong sabi niya at tiningnan ang mga ito na parang inoobserbaran.
Tumingin naman ako sa dalawa na tumigil na rin sa pagkain. Inosente lang nitong tiningnan si Tita dahil hindi naman nila ito personal na nakita. Para kasing nandidiri si tita kung makikita niya ang aking mga anak na para mabaho o malansa ang mga ito. Masakit isipin na kahit kapamilya mo, minsan hindi ka rin nila matanggap. Okay naman sa akin ang aking mga magulang dahil kahit sa kabila ng nangyari nawala naman ang kanilang galit sa akin at buong pusong tinanggap ang dalawa kong anak.
Sinenyasan ko naman ang dalawa na lumapit sa akin. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Tita.
"Tita ito nga pala ang anak ko si Air Christopher at Wind Benjamin Greene." Kinakabahang sabi ko sa kanya. Pekeng ngiti naman ang kanyang binigay sa dalawa.
"Siya naman ang Tita Delilia ko pinsan ng grandpa ninyo." Sabi ko sa kanila. Tumingin lang ito sa kanya.
"H-hi kids." Nag aalinlangan sabi niya at parang ayaw pang hawakan ang aking anak. Nag iwas naman siya ng tingin.
"I have to go. May importante pa akong gagawin. Maiwan ko na kayo." Mataray na sabi niya at umalis na. Doon ko lang napalabas ang kanina ko pang pinipigilan na buntong hininga. Nakahinga ako ng maluwag na hindi niya nagawang saktan ang aking mga anak.
"Mommy, what's wrong?" Tanong ni Air. Umiling lang ako at niyakap ko silang dalawa.
"Please remember always. I love you both." Bulong ko sa kanila. Naramdaman ko naman ang kanilang pag tango.
"We love you too mommy." Sabay niya na sabi at niyakap rin ako. Bumitaw naman ako sa kanila at ngumiti.
"Go back to your seat. Finish your food para marami pa tayong mapuntahan." Sabi ko sa kanila. Masaya naman itong tumango. Pagkatapos naming kumain ay hinatak naman nila ako sa palaruan ng mga bata. Mabilis naman ang naging kilos nila at nagsimula ng maglaro. Hinayaan ko muna sila at humanap ng bakanteng upuan para doon ko nalang sila mabantayan.
Napabuntong hininga naman ako ng maisip ko ulit ang pagkikita namin ni Tita Delilia.
Two weeks na simula noong may magyari sa amin ng istraherong gwapo na iyon. Two weeks na rin hindi mawala sa isip ko ang kanyang gwapong mukha. Palagi nalang sumasagi sa aking isip kung ano ang pinagsaluhan namin sa gabing iyon. Napailing nalang ako sa kahalayan na aking naiisip.
Pero ang hindi ko malamang kadahilanan, kay tagal tagal ko ng boyfriend si David hindi ko naman kayang maibigay sa kanya ang aking virginity? At sa isang istrangherong gwapo na iyon, nagawa ko lang sa isang iglap. Dahil ba sa kalasingan? Sa init ng katawan? Hindi ko alam para may isip itong bumigay sa kanya.
Nang dumating ako sa bahay galing sa bahay ni Vivian ay naabutan ko sina mommy at daddy kasama si Kuya at si Tita Delilia?
"Tita!" Gulat na sambit ko. Lumapit naman ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.
"Hi Hija, how are you? I so glad that you are here." Sabi niya sa akin pagkatapos ay ngumiti sa akin.