🔥🔥🔥
It's been a week. Wala naman nangyari sa amin dito sa aming bakasyon. Nawala rin ang aking pag aalala pero minsan hindi pa rin naiiwasan. Sinasabihan ko si Leighton sa aking nararamdaman. He console me, that everything will be okay.
Alagang alaga naman niya kaming tatlo. Minsan tumatawag ang investigator and I'm thankful na hindi na niya itinago sa akin. He tell me every details sa mga nakukuhang impormasyon mula sa investigator. I'm happy with that.
Napabalik naman ako sa reyalidas ng may biglang humalik sa aking pisngi. Mabilis ko namang binalin ang aking tingin sa kanya. Nakita ko naman si Leighton na nakangiti sa akin. Pinulupot rin niya ang kanyang mga braso sa aking bewang.
"Share your thoughts?" Sabi naman niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at umiling iling. Isinandal ko naman ang aking ulo sa kanyang balikat at nakatingin lang kami sa may labas ng bahay. Naglalaro pa ang mga bata sa may buhangin sa harap lang ng bahay.
"Nababahala ka pa rin?" Tanong naman niya sa akin at hinalikan ang aking pisngi. Bumitaw naman ako sa kanya at humarap.
"Hindi naman mawawala sa akin ang pag aalala. Mga anak natin ang pinag uusapan rito. I can't afford to lose them Leighton." Sabi ko naman sa kanya. Hinaplos naman niya ang aking pisngi.
"So, Am I." Sabi naman niya sa akin at hinalikan ang aking labi. Mabilis lang ito at humalik naman siya sa aking noo pagkatapos.
"That's why I'm doing my very best to protect all of you." Sabi naman niya sa akin. Yumakap naman ako sa kanya at naramdaman ko naman ang paghalik niya sa aking noo.
***
Buong araw lang kaming nagsaya. Hindi naman nawala ng ngiti ng mga bata. Panay rin ang pagkikipag laro ni Leighton sa kanyang mga anak. I really regret what I did for hiding them from their father. Napabuntong hininga naman ako habang nakatingin sa kanilang tatlo. Napatingin naman si Leighton sa akin at napailing nalang ako ng bigla naman niya akong kindatan.
Kung malayo sa akin si Leighton ay panay ang kanyang kindat kung magkatinginan kaming dalawa. Pero kung nasa malapit ko naman ito ay panay ang yakap, halik na halos minu minutong ginagawa.
Narinig ko naman na biglang nag vibrate ang aking phone kaya kinuha ko naman ito. Nakita ko naman na tumatawag si daddy. Nakangiti ko naman itong sinagot.
"Hi daddy. Good evening!" Nakangiting bati ko naman sa kanya.
"Anak, I'm sorry to disturb your vacation but your mom is in the hospital!" Nawala naman ang aking ngiti dahil sa kanyang sinabi.
"What happened dad?!" Kinakabahang sabi ko naman sa kanya. Napatingin naman ako kila Leighton. Nakita ko naman siyang may sinabi sa mga bata bago ito tumayo ang kunot noong lumapit sa akin.
"Nag shopping kasi ang mommy mo kanina. Tapos nagulat nalang ako ng tumawag na ang hospital at sinabing dinala daw ang mommy mo sa hospital. MarCuss, already investigate sa nangyari at nakitang may biglang dumaan na sasakyan. Halatang sinadya." Natahimik naman ako sa sinabi ni Daddy.
I don't know what to say. Naramdaman ko naman ang paghimas ni Leighton sa aking likod.
"We're going home dad. Wait for us there." Sabi ko naman sa kanya. Nag paalam naman kami sa isa't isa at ibinaba ang tawag.
"What happened?" Tanong naman niya sa akin.
"Nasa hospital si Mommy. I need to go home, Leighton." Sabi ko naman sa kanya.