🔻Prologue

103 17 6
                                    

HALOS mapatalon ako sa gulat nang pabagsak na inilapag sa mesa ko ang isang puting folder na may laman na mga dokumento. Taka kong tinignan si Ken sa ginawa niya ngunit nag-aapoy na sa galit ang mga mata niya.

Tinotopak na naman ba 'to?

"Ano 'yan?" Takang tanong ko sa kaniya.

Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ng isang ito. Bigla-bigla nalang sinusumpong−

"Ikaw ang dapat kong tanungin. Ano na naman 'yan?!" Halos pasinghal niyang tanong sa akin kaya mas lalo akong naguluhan sa inasta niya.

Tiningnan kong maigi ang folder bago ibinalik sa kaniya ang titig ko.

'Tamo? Sa kaniya galing 'to tapos ako ang tatanungin kung ano ang laman? Tsk.

Kinuha ko ang folder na nakalapag sa mesa dahil wala yata siyang balak na tanggalin ang masamang titig sa akin.

Dahan-dahan kong binuklat iyon upang malaman kung ano ba talaga ang laman niyon na kinagagalit niya.

Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang mga litratong nakapaskil dito-

A-Ano ito?

Hindi ako nakapagsalita sa nakita.

S-Sinong nag upload nito?

Ilang saglit pa ay pabagsak niyang inilapag sa harap ko ang cellphone niya at doon ko nakita ang buong artikulo ng balita.

Kaka-publish lang rin nito 30 minutes ago sa official website ng Buzz.

Paano nangyari 'to?

"Sino ang-"

"Masaya ka na sa ginawa mo?" Halos mailayo ko ang mukha ko sa sigaw niya. Halatang sasabog na ito sa galit. Taka ko siyang tinapunan ng tingin sa sinabi niya

B-Bakit sa akin niya binubuntong ang galit niya? Pinagbibintangan niya ba ako?

"Masaya ka ba sa mga paninirang ginagawa mo?!"

What?! Anong pinagsasabi niya?! Bakit sa akin niya sinisisi?

"K-Ken-hindi ko alam."
Pakiramdam ko ay magbabagsakan na ng mga luha ko sa inaasta niya.

"Putangina naman, Noreen!" Hinampas niya ang mesa sa harap ko. Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ko. "Akala mo ba hindi ko alam ang intensyon mo? Sinong nag-utos sayo? Ano ang koneksyon mo sa Bandwagon?" Nagulat ako nang hawakan niya bigla nang mahigpit ang braso ko.

B-Bandwagon?

Anong pinagsasabi niya?!

Bakas sa mukha niya ang galit at sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

Gusto ko nalang maiyak sa mga naiisip ko.
"K-Ken ano ba, nasasaktan ako." Usal ko at pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko ngunit mas lalo niya lang hinihigpitan ito.

Ilang saglit pa ay narinig kong pabagsak na bumukas ang pintuan ng studio. Tarantang pumasok sa loob sina sir Vince kasama pa ang ibang myembro. Agad naman silang nagtakbuhan papalapit sa amin nang makita ang ginagawa ni Ken sa akin.

"What the heck-Ken. What are you doing?!" Galit na usal ni Sir Vince, hindi malaman kung lalapit ba sa amin o ano.

Mabilis nilang inlayo si Ken sa akin. Agad naman akong napayuko at napahawak sa braso ko.

Sunod-sunod naman akong naiyak sa mga nangyayari.

Ramdam ko ang tensyon sa loob ng kwarto nang sandaling iyon. Naramdaman ko ang pagkomporta sa akin ni Stell, marahan niyang hinagod ang likod ko upang pakalmahin. Siguro ay napansin niya ang panginginig ng mga kamay ko.

"Ayos ka lang?" Tanong nito sa akin pero hindi na ako sumagot pa. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanila at hindi ko alam kung mahaharap ko pa sila pagkatapos nito.

"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang dami nang paninirang nangyayari sa grupo natin? Ilang beses ko na kayong pinagsabihan pero hindi kayo nakinig sa akin." Galit na sigaw na naman ni Ken. Nanatili akong nakayuko at tahimik na umiyak.

"Bakit? Kulang pa ba ang ginagawa ko para sa grupo kaya mas nagtitiwala kayo sa ibang tao kesa sa akin?!" Sigaw ni Ken.

"Hindi ibang tao si Aoi." bigla ay usal ni Stell kaya natigilan ako. Parang piniga ang puso ko nang sandaling iyon.

"Really? Ganiyan ka laki ang tiwala mo sa babaeng 'yan?" muling bulalas ni Ken . "Oo nga pala, matagal mo na siyang kilala. Matagal niyo na siyang kilala. Kaya mas kinakampihan niyo yan kesa sa akin-"

"Ken stop." Pakiramdam ko ay nalagutan ako ng hininga nang marinig ang malamig at ma awtoridad na boses ni Paulo. "Ken, ayusin mo pananalita mo." Dagdag pa nito.

Gustuhin ko mang tignan siya pero natatakot ako. Mahigpit akong napahawak sa braso ni Stell at ramdam kong napansin niya iyon.

Marahan niyang to tinapik ang likod ko.

"Ano? Pati ikaw?" Bulalas na naman ni Ken. "Oo nga pala, hindi ko naisip yun ah? Baka nga magkasabwat pa-"

"PAU!" Sigaw ng lahat nang sugurin nito bigla si Ken ng suntok. Mahigpit na hinawakan ni Sir Vince si Pau dahil nagpipilit pa itong kumawala.

"Tama na, ano bang nangyayari!" Sigaw ni Josh at napatingin ito kay Ken na ngayon ay masama na rin ang tingin kay Pau. "Tigilan mo ang pambibintang sa mga kasalanang ikaw naman ang may gawa! You should stop blaming anyone especially Aoi. Wala kang pruweba-"

"She's Trinity." Usal ni Ken.

Agad akong nanigas sa kinauupuan ko nang marinig iyon.

Marahan akong nag-agat ng tingin at nagtama ang mga titig namin. Hindi parin maalis ang galit sa mga mata niya.

How did he-

"Siya ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang grupo natin."

@Awii

Rhythm (SB19 Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon