🔻Chapter 1

74 12 3
                                    

Aoi Noreen's POV

"WHAT? Ba't ka natanggal?" Pasigaw na tanong ni Chloe matapos kong sabihin sa kaniya ang problema ko. Hindi ko siya nilingon at tinungga lang ang bote ng alak na nasa harap ko. "Hoy, seryoso talaga? Wala ka pa ngang isang buwan sa trabaho mo tapos─"

"Napagalitan ako. Nanakaw yung files." Putol ko sa sinasabi niya. "Naunahan kami ng CSC." Nilingon ko siya at pakiramdam ko ay gusto ko na namang maiyak. "T-Tatlong araw kong pinagpuyatan iyon. Walang maayos na kain, walang maayos na tulog, kahit saglitang pahinga hindi ko magawa— galit na galit si Sir Anthony sa akin kanina." Pumiyok ako kaya muli akong tumungga ng alak.

Inis kong sinubsob ang mukha ko sa mesa at doon umiyak nang umiyak.

"Si Venice ba?" Umiling ako habang nakasubsob parin ang mukha sa table.

Minsan ko na ring naisip iyon kaso parang imposible naman.

"Hindi ko alam." Pabuntong hininga na usal ko saka inangat ang tingin sa kaniya na ngayon ay nakatitig na rin sa akin na parang di alam ang gagawin. Napapikit siya nang mariin saka galit na napatitig sa bote ng alak na hawak niya.

"Wala namang ibang gagawa nun kundi yung impaktang iyon!" Sigaw niya at padabog na inilapag ang bote sa mesa.

"Wala tayong proweba, Chloe. Isa pa, si Kian yung may hawak nung report. H-Hindi naman magkatugma." Tukoy ko sa researcher ng kabilang estasyon. Kinausap ko kasi siya kanina at walang alinlangan naman niyang ipinakita sa akin yung file na ginamit nila.

"Teh, malamang ni revise iyon. Baka nga humingi pa ng tulong yun kay mareng GPT. Mag-isip ka nga." Bulyaw niya sa akin at napasimangot lang ako. "Hay nako, ewan ko sa'yo." Suko narin niya at tinawag ang waiter upang umorder ng panibagong inumin.

Tangina, baka ako na naman pagbayarin nito.

"Oh, kailan ka maghahanap ng panibagong trabaho, niyan? Sayang naman 'yun, konting push nalang sana ibabandera na sa harap ng TV ang pagmumukha mo. Diba pangarap mo yun? Ngayon ano na? Nga-nga, tatanga-tanga kasi."

Bwisit! Nasermonan pa ako! Tsk.

"Talaga bang tanggal na? As in, wala na? Napaka inconsiderate naman niyang boss mo."

"H-hindi ko na alam, Chloe. Ang hirap magsimula ulit. Wala na, nasayang na lahat ng pinaghirapan ko." Usal ko sabay tungga ulit ng inumin.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang maghanap ng panibagong trabaho nito.

Hindi nga naging madali yung pinagdaanan ko upang maabot ang posisyong iyon pero heto ako at babalik na naman sa umpisa.

Punyeta. Nakakapagod na.

Naiiyak na naman tuloy ako huhu.

Narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ni Chloe kaya nginusuan ko siya para magpaawa.

Ito ang gusto ko sa kaniya, problema ko, problema rin niya kaya ramdam kong hindi talaga ako nag-iisa. Friendship goals.

"Mag-apply ka kaya sa mga online news website? Marami sigurong hiring ngayon. Mas madali kung yung trabaho mo online para di ka nahihirapan. Makakapag side line ka pa." suhestyon niya pero hindi ko na siya pinakinggan pa. Itinuon ko ang tingin ko sa alak na hawak ko saka ito wala sa sariling pinaglaruan sa loob ng bote.

Sa totoo lang ay wala talaga akong balak na maghanap ng panibagong trabaho muna sa ngayon, umaasa kasi akong baka magbago pa ang isip ni Sir Anthony at ibalik niya ako.

Rhythm (SB19 Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon