🔻Chapter 2

55 12 4
                                    

Justin's POV

"JOSH, may tanong ako." Natatawang sabi ko habang itinututok ang camera sa kaniya.

"Ano yun?" tanong niya at ibinaba ang hawak na cellphone para lang tumingin sa akin.

Pinigilan ko naman ang tawa ko.

"Alam mo ba kung ano ang apelyido ni Cedie?" tanong ko sa kaniya at napaisip naman siya. Itinutok ko ng husto ang camera sa butas ng ilong niya at natatawa naman niya akong tinulak palayo.

"Nag v-vlog ako!" reklamo ko sa kaniya. Halatang nag-iisip parin ng sagot sa tanong ko.

"Uy alam ko 'yan!" Sigaw ni Stell sa likod ko kaya sa kaniya ko naman itinutok yung camera. Inayos niya ang buhok sa harap ng salamin bago nagpa-cute sa harap ng cam.

Tignan mo to. Daming alam, wala namang sagot.

"Ano?" sabi ko, hindi maalis ang ngiti sa labi.

"R. King ." Sagot niya.

"Huh?" taka kong tanong.

"Cedie R. King? hahaha boang." Sabat naman ni Ken na kakalabas lang ng CR. Kakatapos lang nitong maligo dahil kinukoskos niya pa yung buhok niya ng towel.

"Hindi haha." Sabi ko at muling itinutok kay Josh ang camera. "Sagutin mo." Utos ko sa kaniya. Hindi parin siya tapos mag-isip. Panigurado nag s-search na sa google to. Ang daya!

"Wala akong maisip haha! Ay, teka alam ko na." Natawa siya at kunyare nag-isip na naman. "Aguilar." humagalpak ng tawa si Stell sa sinabi niya.

Bakit parang sila yung nagj-joke dito? Tch.

"Freddie yun bwiset hahaha! Parang mas maganda pa yung mga sagot ninyo kesa sa sagot ko haha!" sabi ko habang nililibot ang camera sa magulong kwarto namin.

Bukas na yung concert namin dito sa Pampanga kaya nakaka excite. First time namin sumalang sa medyo malakings stage. Syempre, sa gilid ng mall lang naman kami dati.

"Ano ba yung sagot?" tanong ni Stell at iniharap ko ang cam sa aming dalawa.

"Itanong mo sa akin yung tanong." Sabi ko.

"Oh sige, anong apelyido ni Ceddie?" tanong ni Stell at napabungisngis naman ako.

"Edi, Player. Cedie Player." Sagot ko at humagalpak ng tawa. Tumahik namab sila at itinuloy ang kani-kanilang ginagawa.

Ako lang yung tumawa, ayos.

"Ahh." Sagot ni Josh—

Agad kong pinatay ang video'ng pinapanood ko sa cellphone nang marinig mula rito sa backstage ang sigawan ng mga audience. Nakita ko si Ken na nakatayo sa gilid ng stage kaya agad ko siyang nilapitan.

"Kinakabahan ako." Usal niya nang maramdaman ang presensya ko. Nakatingin lang siya sa mga audience na nagsisigawan sa labas.

"Para namang ngayon ka lang magp-perform." natatawa kunyaring usal ko saka tinapik ang balikat niya.

"Hindi dre, halos tatlong taon rin kasi tayong natigil. Nakakapanibago lang." Itinuon niyang muli ang tingin niya sa harap kung saan nagp-perform ang Extreme. Napakaingay sa audience area. Sinasabayan nila ang performance ng grupo na nasa harap habang sabay sabay na itinataas sa ere ang mga hawak nilang lightstick. "Siguro kung hindi nabuwag ang grupo ay tayo ngayon ang nasa posisyon nila."

Rhythm (SB19 Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon