Paulo's POV
"Hoy po! Nandyan na si Pablo!" narinig kong tarantang usal ni Justin habang papasok palang ako sa loob ng studio.Hindi ko alam kung saan niya nakitang paparating na ako.
Narinig ko ang mga yabag ng paa nilang parang nagmamadali sa loob. Pagkabukas ko ng pintuan nakita ko silang nakapwesto na sa gitna para sa practice.
Seryoso ang mga mukha at halatang nagkukunwari lamang na abala at may ginagawa.
Ako nalang ba ang hinintay nila?
Diretso akong nagtungo sa mahabang mesa at walang ganang inilapag roon ang backpack na dala ko.
Marahan kong inikot and balikat ko dahil sa sobrang pagod na nararamdaman. Galing pa kasi akong trabaho at dumiretso na agad rito pakatapos.
Ramdam ko sa gilid ng mata ko ang titig ng apat kaya agad ko silang nilingon. Sabay silang nag-iwas ng tingin at inabalang muli ang kani-kanilang sarili.
Tss.
"Oh, nandito ka na pala." Naramdaman kong may mga yabag ng sapatos na naglalakad papunta sa gawi ko. Hindi ko nilingon si Celine, manager namin sa bagong kumpanyang pinasukan namin.
Matapos magkawatak-watak ng grupo ay naalis na rin kami sa dati naming kumpanya. Hindi rin naging madali ang pagpasok namin rito dahil katulad ng pinagdaanan namin nung una ay parang bumalik uli kami sa training.
Bumalik lahat sa simula.
Sina Josh at Stell ang gumawa ng paraan para maipasok lang ulit ang grupo sa industriya. Ilang beses kong tinanggihan ang alok nila at pinapabalik ako sa grupo dahil may kumpanya na daw na kukuha sa amin. Wala na rin akong nagawa sa huli kundi ang pumayag.
Pero hanggang ngayon ay nagdadalawang isip parin ako kung gusto ko pa bang ituloy ang bagay na ito. Halos dalawang linggo na ring ganito. Yung mga dati naming kanta ay paulit-ulit naming ineensayo mula umaga hangang kinagabihan, kung dati halos siyam na oras sa isang araw ang practice ngayon ay dinoble pa ang oras ng ensayo.
Hindi madali. Sobrang hindi naging madali para sa amin ang nangyayari ngayon.
Humugot ako nang malalim na hininga bago naglakad papalapit sa grupo. Hindi ko tinapunan ng tingin si Celine at nag dire-diretso lang ako sa pag-upo sa tabi ni Ken.
Hindi sa wala akong respeto sa manager namin pero sadyang hindi lang nababagay sa kaniya na ibigay iyon.
"You'll be performing next week sa isang event as a filler." usal niya pero hindi ko siya nilingon dahil abala akong inaayos ang tono ng gitarang hawak ko.
She don't need to emphasize the word filler.
Tss.
Masyado niyang ibinababa ang tingin sa amin to think that she is our manager pero ganiyan ang panapakita niya. See?
"You should be thankful na mayroon pang mga events na kumukuha sa inyo ngayon. It's not also easy for me na magmakaawa sa kanila na kunin kayo kahit bilang filler man lang. Everyone still remember what happened three years ago-"
"Kailangan mo ba talagang banggitin 'yan?" hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magsalita. Ramdam yung galit sa boses ko kaya naiyukom ko ang kamao ko upang magpigil.
Paulit-ulit nalang siya. Halos araw-araw naman na yata hindi mawala-wala sa bibig niya ang nangyari sa amin tatlong taon na ang nakalipas. Hindi ko rin maintindihan kung bakit pilit niyang inuungkat ang bagay na iyon.
Naramdaman kong parang hinawakan ni Stell ang braso ko para pigilan ako. Nilingon ko siya at inis na tinanggal ang kamay niya roon sa pagkakahawak sa akin.
BINABASA MO ANG
Rhythm (SB19 Fanfic)
FanfictionAoi Noreen Ferrer was on the verge of achieving her dream of becoming a TV news anchor, but unfortunately, fate wasn't in her favor. After a sudden loss of her current job, she needed to find another one immediately to survive. Going from an aspirin...