🔻Chapter 12

29 4 0
                                    

Josh's POV

"PUTA, ba't mo binenta weapon mo?!" inis na asik ni Rex at halos masira na ang keyboard niya kakapindot. Inis ko siyang nilingon.

"Tangina, akala ko ba gagawin ko yun?" inis na usal ko rin.

Anak ng tapsilog naman oh.

"Gamitin mo muna yung flaming rod, bawi tayo."

"Ano?! Hindi pwede, baka maubusan ako."

"Gago, gawin mo nalang kesa maagawan ka ng pwesto r'yan! Nakabantay sa'yo yung dalawa oh."

Tangina talaga.

Mukhang matatalo na naman kami nito.

Inis akong napasuklay sa buhok ko at ginawa nalang ang sinabi niya.  "Pre, pre, back up. Nasundan kami ng kabila." usal ni Art. "Shutek pre malapit na samin yung tower nasa likod ko si Yuan."

'Nak ng— napailing nalang ako at nawalan bigla ng gana sa laro.

"Josh sa mid-lane ka dumaan. Hayop yan."
Hindi ko nalang sila kinausap pa at sinubukang mag focus nalang sa laro.

Puta

Inis kong nahampas ang keyboard ko nang makitang tinutulak na ng kabila yung huling crystal.

Maingat akong nag angat ng tingin upang tignan si Sydney na seryoso ring nakatutok sa harap ng pc niya. Sila ang kalaban namin ngayon.

They are sitting on the blue corner habang kami  na kaharap nila nasa red corner. Bale magkaharap lang kami habang naglalaro kaya kitang-kita ko ang bawat reaksyon nila.

Sydney's a real pro. Buhat nya yata buong grupo niya sa laro. Pero kung titignan mo hindi man lang siya kababahiran ng kaba o taranta.

She's playing the game smoothly and calm.

Ilang saglit pa ay nagulat ako nang bigla siyang mag angat ng tingin sa akin saka ngumisi.

Pinagkunutan ko siya ng noo sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan iyon.

"Tangina, hoy josh cullen! Inaatake na tayo ng kabila! Hayop, ang bagal mo kumilos." Asik ni Rex sa akin.

Taranta akong napatingin agad sa nilalaro at puta—hindi ko napansin! Nawala ang atensyon ko sa laro dahil sa ginawa ni Sydney.

Inis ko siyang tinapunan ng tingin na ngayon ay diretso nang nakatutok sa laro.

Inis akong napailing dahil muntikan na iyon.

Tsk.

Mabilis akong napatutok ulit sa screen at nanlaki ang mata nang makitang napapalibutan na nila ang tower namin. Nasa kanila na rin yung huling crystal and it's so difficult now to beat them.

Ang sakit na ng kamay ko kakapindot sa control. Tangina.

"Josh, tulungan mo si Nikki doon sa highland." utos ni Rex sa akin.

"Ano?! Bakit ako?! Kulang na yung energy ko dahil sa pesteng flaming rod na 'yan." Reklamo ko pero ginawa ko rin yung inutos niya dahil mukhang talo na rin naman.

Inis akong napahawak sa sintindo ko saka itinuloy ang laro nang matapos na.

Pasimple kong tinignan muli ang kabila at kitang-kita ko naman ang mga ngiti sa labi at tawanan nila.

Hindi kami magkarinigan dahil sa malaking glass na nakapagitan sa amin.

Muling tumama ang titig sa akin ni Sydney ngunit nilabanan ko ang mga titig na iyon.

Rhythm (SB19 Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon