Aoi Noreen's POV
[Hoy gaga! Yung lalake mo pinauwi ko na!]
Bungad ni Chloe pagkatawag ko sa kaniya. Kakarating ko lang kasi sa opisina at nagkakagulo na naman sila rito.
Hindi ko pa alam kung ano ang nangyayari dahil wala pa nga ang marites na si Chummy.
"Baliw. Pinakain mo ba bago umalis?" Tanong ko kay Chloe habang inaayos ang mga kalat sa table ko.
[Bakit ko pa papakainin yun? May iniwan ka bang pagkain ha? Talagang dadalhan mo pa ako ng ibang palamunin bukod sayo.]
"Hoy grabe ka naman! Ang sama ng ugali mo!" Asik ko sa kaniya.
Taena tong babaeng to. Umagang-umaga ang init ng ulo.
[Teh! Kung hindi ko pinalayas agad yun baka natunton na ako dito sa apartment ko. Yun ang punto ko.]
"Huh? Pinagsasabi mo?"
[My ghad Awi! Nakalimutan mo sigurong wanted ako ngayon sa mga fans ni Hiro tas nagdala ka pa ng kung sino-sino dito sa apartment ko!] Gusto kong matawa dahil na-iimagine ko ang itsura ng gaga.
Minsan talaga nagtatanga-tangahan nalang ako para mainis siya. Charrot, no need na pala dahil ipinanganak nang tanga. Tch.
"Huwag kang mag-alala di naman yung fan ni Hiro. SB19 nga yun diba? Rival nila yun." Pagpapakalma ko sa kaniya at lumiwanag naman ang mata ko nang makitang dumating na si Chummy kaso yung gaga di ako pinansin at nag diretso lang sa opisina ni Boss Eddie para maki chismis.
Tsk. Sabi na eh.
[Kaya nga rival nila! Posibleng ipagkalat nun na nandito ako at baka gumawa pa yun ng kung ano-anong storya. Bakit kilalang-kilala mo ba yun ha?]
"Grabe ka mag overthing te. Okay, fine, sorry. Kasalanan ko. Masaya ka na?" Suko ko nalang dahil ang dami niyang kuda.
Kating-kati na akong malaman ang usapan nila sa opisina.
Akmang tatayo narin sana ako sa kinauupuan ko para makiusyoso sa nangyayari ngayon sa opisina ni boss nang biglang bumukas ang pintuan.
Nahinto ako sa aking kinauupuan nang makita kung sino ito.
"S-Sir Jayson?" Usal ko. Siya yung manager ng Extreme diba?
Hindi niya ako tinapunan ng tingin at naglakad lang diretso sa opisina ni boss Eddie na ikinatahimik naman ng mga naroon.
[Hoyy! Nandyan ka pa ba??]
"Teka lang Chloe." Usal ko at nakitang nagsilabasan na ang mga kasamahan ko sa trabaho sa opisina para iwan si Boss Eddie at Sir Jayson sa loob.
[M-May sasabihin nga pala ako—"
"Chloeee.. mukhang alam ko na kung sino ang makakatulong sa'yo."
[Huh?]
"Sige na, tawagan nalang kita ulit mamaya. Bye—" Usal ko at agad na pinatay ang tawag.
Hayop Awi.
Ba't ngayon mo lang naisip to?! Sa tagal tagal nang may nangyayaring gulo sa kaibigan mo at kay Hiro ngayon mo pa talaga naalala si Sir Jayson?
"Girl, alam mo na ang balita?" Bungad sa akin ni Chummy.
"Mukha bang mag alam ako? Hinintay kita gaga para magkwento." Sabi ko at inirapan pa siya.
"Bwisit to, nauna ka rito tas ako pagk-kwentuhin mo." Asik niya sa akin.
"Syempre di naman ako ipinanganak na marites katulad mo."
"Wow ha? So ayaw mo nang malaman? Okay fine." Sabi niya at aalis na sana pabalik sa table niya nang bigla ko siyang hilahin pabalik.
BINABASA MO ANG
Rhythm (SB19 Fanfic)
FanfictionAoi Noreen Ferrer was on the verge of achieving her dream of becoming a TV news anchor, but unfortunately, fate wasn't in her favor. After a sudden loss of her current job, she needed to find another one immediately to survive. Going from an aspirin...