🔻Chapter 10

23 5 0
                                    

Ken's POV

"DRE, mauna na ako." paalam ko kay Stell.

"May gig ka?" tanong niya habang inaayos ko ang mga gamit sa bag. Tumango ako bilang tugon.

"Pakisabi nalang sa kanila, umalis na ako." usal ko at paalis na sana nang magsalita siya.

"-Ken." usal niya kaya muli akong napalingon hinintay ang sasabihin niya. "Daan ka raw minsan sa bahay sabi ni mama." hindi agad ako nakasagot.

Si Tita Mylene...

"Paulit-ulit ka kasing hinahanap niya sa akin eh. Nakakaselos na." bigla ay usal niya kaya natatawa akong napailing.

"Subukan ko sa Sabado. Busy lang talaga ako pag weekdays." usal ko at nanlaki naman bigla ang mata niya.

"Uy seryoso?" hindi matanggal ang ngiti sa labi niya kaya tumango ulit ako. "Uy asahan ko 'yan ah!"

"Akala ko ba si Tita Mylene ang naghahanap, ba't parang iba yung tuwang-tuwa?" sabay kaming napalingon nang sumabat si Justin sa usapan.

"Masaya ako para kay mama syempre hahaha." usal agad ni Stell kaya nagtawanan kaming tatlo.

Langya tong si Justin kung ano-ano pinagsasabi.

"Mauna na ako, late na ako." usal ko sa kanila.

"Ay wow pag sa gig ayaw ma late." nakangiwing ani Stell.

"Pinagpalit na nga kasi tayo." usal naman ni Justin na may tamang pasipol pa sa ere.

"Haha mga loko. Bahala nga kayo dyan." usal ko at agad nang tumalikod. Lumabas ako ng studio na di matanggal ang ngiti sa labi.

Tagal na mula nung makapag asaran ulit kami ng ganoon. Nakakamiss din pala yung mga lokong 'yun.

Halos dalawampung minuto na akong nakatayo sa labas ng studio namin ngunit wala paring dumadaang jeep. Paulit-ulit na rin ang pagtingin ko sa oras at cellphone ko dahil baka kino-contact na ako nung mga kasamahan ko.

Tsk. Bad timing putek.

Akmang aalis na sana ako para maglakad nalang papuntang bus stop nang makitang palabas na rin ng studio si Justin.

"Oh? Di ka pa nakakaalis?" tanong niya.

"Tsk. Walang jeep na dumadaan." naiinip na usal ko.

"Hatid nalang kita. Saan ba kayo tutogtog ngayon?" inilabas niya ang susi ng sasakyan niya saka ito pinindot para mabuksan.

"Sa may Southville lang. May bagong bukas kasi dun na resto." usal ko.

"Tara." usal niya at nagpaunang pumasok ng sasakyan.

Nag aalinlangan man ay napagdesisyunan ko nalang din na sumakay nalang.

"Dapat kanina nilakad mo nalang papuntang bus stop. Mag aalis dyis na oh." usal niya matapos tignan ang oras sa harap ng sasakyan.

"Oo nga eh. Di ko rin naisip agad." napakamot ako sa batok ko.

"Di ka parin nagbabago. Lutang ka parin." Usal niya at tumawa kaya natahimik ako. Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa pagitan namin ni Justin ngunit ilang saglit lang ay nagsalita ulit siya. "–Ken, kailangan nyong mag usap ni Josh." usa niya bigla at hindi ko naman siya sinagot.

Namuo muli ang katahimikan sa pagitan namin at tanging harurot nalang ng sasakyan ang naririnig dahil nakabukas ang bintana ng sasakyan niya.

Humugot ako ng malalim na hininga saka ito pinakawalan habang nasa bintana parin ang paningin. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero alam kong naghihintay siya.

Rhythm (SB19 Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon