🔻Chapter 3

31 7 0
                                    

Josh's POV

TAHIMIK lang ang lahat sa loob ng sasakyan at wala na yatang may balak na magsalita─

"Woo! May lamay ba tayong pupuntahan?" Napalingon ako nang biglang sumigaw si Justin, as in sigaw talaga na dahilan pa upang magulantang ang natutulog na si Ken.

Napalingon rin sa kaniya ang buong grupo maliban kay Pablo na seryoso parin ang titig sa labas ng bintana. "Ano ba naman 'yan haha, magsalita naman kayo." Halata sa boses niya na pinipilit lang nitong magtunong masaya.

Tatlong taon na ang nakalipas at ngayon lang ulit kami naipon. Hindi naman literal na ngayong araw lang syempre. Nagpupunta parin naman kami sa studio para ipractice yung kinanta kanina kaso wala eh, di kami nagkakaintindihan. Sobrang gulo ng nangyari nung mga nakaraang araw. Panay ang alis ni Pablo dahil sa trabaho niya, at wala naman kaming magawa para pigilan siya.

Sa totoo lang, nawawalan na rin naman ako ng pag-asang mabuo pa ang grupo. Dahil mismong nangunguna sa amin sumusuko na, kami pa kaya?

"Wag ka nga Justin, challenge 'to. No talking challenge. Diba Ate Rose?" Usal naman ni Stell kaya sabay naming tinignan si Ate Rose na nakaupo sa front seat. "Ang magsasalita itutulak daw palabas ng sasakyan." Dagdag pa ni Stell, di ko naman mapigilang matawa.

"Oo at mukhang dalawa na ang itutulak ko." Natatawang sabi ni Ate Rose kina Stell at Justin.

"Ay naku, tatlo tayo Ate Rose, hindi ka exempted." Napailing nalang ako nang magtawanan silang tatlo. Kahit papaano ay nagkaroon ng buhay sa loob ng sasakyan. Si Ken naman ay itinuloy lang ang tulog matapos magsalampak ng earphones sa magkabilang tenga, halatang hindi interisado sa usapan.

Lagi namang ganiyan. Iyan lang yata ang hindi niya ipinagbago. Lagi siyang may sariling mundo at trip.

Muli kong nilingon si Pablo at wala man lang nagbago sa ekspresyon siya. Nakakunot lang ang kaniyang noo na para bang pasan-pasan niya ang problema ng mundo.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumipat sa tabi ni Pablo. Nilingon niya ako saglit at ibinalik rin uli ang tingin sa labas ng bintana.

Magsasalita palang sana ako nang unahan na niya—

"Sino yun?" Tanong niya bigla habang nasa bintana parin ang paningin. Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Ha?" naguguluhan kong usal at tinignan rin yung tinitingnan niya sa labas ng bintana.

Sinong tinutukoy niya?

"Aba, malay ko. Di ko naman kilala lahat ng tao—"

"Yung babaeng kinaladkad mo kanina." tanong niya at naramdaman ko naman ang paglingon ni Ate Rose sa gawi namin.

Hindi kasi alam ni Ate Rose na nagkaaberya kanina. Akala ni Ate Rose maayos ang naging performance namin sa concert kanina ng Extreme.

"A-Ah wala 'yun." Pagsisinungaling ko. Gusto kong ibahin ang pinag-uusapan namin dahil ayaw kong makarating kay Ate Rose ang nangyari.

Nagulat ako nang lingunin ako ni Pablo nang may nangungwestyon na mga mata. "Anong kinalaman niya sa nangyari kanina?" napalunok ako sa tanong niya.

Anak ng hayop na tapsilugan naman oh, tsk.

Naiilang kong nilingon si Ate Rose saka pilit na ngumiti. Kita kong kumunot ang noo nita at napatingin sa akin.

"Nangyari? May nangyari kanina?" Tanong ni Ate Rose at nagpalipat-lipat na ang tingin niya sa amin ni Pablo. Palihim kong nilingon si Stell at sumensyas naman siyang tumahimik nalang.

Rhythm (SB19 Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon