🔻Chapter 11

19 6 0
                                    

Justin's POV

KANINA pa tawa ng tawa si Stell at Josh dahil kay Ken. Paano napagtripan na naman siya nung dalawa. Pangalawang biktima kay Josh sa blindfold.

Sabi kasi nila try daw yung nakatakip ang mata, ako na walang alam nadamay pa.

"Mga loko." natatawang usal ni Ken matapos tanggalin ang blindfold. Patakbo siyang lumapit8 kay Stell at pabirong sinakal ito. "Kaya pala sabi ko ba't parang ang wala akong naririnig na yabag sa paligid ko." napakamot siya sa batok niya. Inilapit ko ang camera na hawak ko sa kanila para makunan ang pagbabalik kakulitan niya.

Masaya ako at unti-unti nang bumabalik si Ken sa dati. Medyo bati na sila ni Josh pero yun nga, kulang pa sa kiliti yung dalawa dahil mukhang ilang pa nga pero alam ko magbabardagulan din yan.

"Enough with the fun. Umayos na kayo, may babaguhin tayo." bumukas ang pinto at pumasok ang kararating lang na si Pablo. Mabilis kong pinatay ang camera at ibinalik sa bag.

Kinabahan ako dun.

"Na naman?" nakangusong reklamo ni Stell. Hindi siya pinansin ni Pablo at naglakad lang ito palapit sa sofa para ilagay ang mga gamit. Nagkatinginan kami ni Stell kaya lumapit ako sa kaniya "—pabayaan mo na, nag aadjust pa siya ngayon." usal ko at tumango naman siya.

Ilang saglit pa ay lumapit si Pablo sa amin. Patapon niyang inihagis ang cellphone niya kay Stell na buti nalang ay nasalo agad.

Nagtataka man ay pinindot parin ni Stell yung play button. Nagsilapitan naman agad sina Josh at Ken sa amin.

Pinakinggan namin yung tugtog habang si Pablo ay seryosong nag-aabang ng reaksyon namin.

Natapos ang kanta nang wala kaming naging kumento. Nagkatinginan kami ni Josh at Stell. Mabilis naman na kinuha ni Pablo ang cellphone niya kay Stell.

"I-I'll be asking for a friend's help. Give me some time to improve." usal niya. I saw the disappointment in his eyes. Akmang tatalikod na siya nang biglang magsalita si Ken.

"That was a bop." usal nito na ikinahinto ni Pablo. Sinundan naman ito ng kumento ni Stell. "Kung hindi ko alam yung lyrics, aakalain kong isa ito sa pinakasikat na kanta ngayon. I'm speechless."

"The beat was amazing. Napaka catchy, bagay na bagay sa lyrics." usal naman ni Josh na may kasamang tango-tango pa.

"If you're planning to improve the song, that would be more than perfect. Tama si Ken, that was a bop already." usal ko naman. Nag english sila eh, patalo ba naman ako hahaha.

Napailing si Pablo at nagtuloy pabalik sa mesa niya. Siguro ay hindi siya naniwala sa mga sinabi namin pero seryoso kami, hindi lang kami nakapagsalita kasi sobrang galing! We didn't expect him to change the beat to something like that. I mean it's like an EDM version pero there's a bit dark. Hindi ko ma explain.

Basta.

"Balik practice na." usal niya at nilingon kami.

"Di natin babaguhin?" tanong ni Stell.

"Hindi na." usal niya.

"Pau, nagsasabi kami ng totoo." usal ni Stell at nilapitan siya. "That was better. Hindi namin inexpect yun."

"Alam ko." usal niya at nagkatinginan na naman kaming apat. Yun naman pala eh.

Rhythm (SB19 Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon