Aoi Noreen's POV
Sumasabay lang kami sa mga bata dito sa pinakadulo ng tent habang sumasayaw ito ng mga pambatang sayaw nang biglang higitin ako nung isang mascot.
Akala ko ako lang ang hinigit pero sila rin pala Chummy at ibang katrabaho ko papunta sa gitna.
Naghiyawan ang mga bata at pilit kaming pinapasayaw. Nagkatinginan kami ni Chummy at inis naman niya akong tinapunan ng kaniya.
"Kasalanan mo to Noreen." inis niyang bulong sakin at napairap naman ako.
"Mas malaki atraso mo sa kin." bulong ko pabalik.
"Ano? Pinilit ba kita ha?" singhal niya sa akin.
"Bakit hindi ba?" inis kong sabi at sinita naman kami nung mga nasa likod namin na tumahimik.
Ilang saglit pa ay kinalabit ako ni Kuya Seb kaya agad ko siyang nilingon.
"Noreen, ano daw sasayawin." bulong niya at nanlaki naman ang mata ko.
"Anong sasayawin?! Bakit sasayaw?" tanong ko pabalik at nagkibit balikat naman siya.
"Gagi, mag-isip ka na. Hiyang-hiya na ako rito huhu." inis na bulong na naman ni Chummy kaya pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran.
"Tumahik ka nga. Eh kung tumulong ka kaya. Dami mong satsat, wala ka namang ambag." usal ko sa kaniya pabalik.
Ilang saglit pa ay biglang humakbang papunta sa harap si Chummy at kinuha yung mic na bitbit ng isang mascot.
"Mga bata, sabayan nyo kami ah?" sabi niya sa lahat at nagpalakpakan naman sila sa tuwa. Pati mga magulang ay inaabangan ang gagawin namin.
My ghas.
Ano na naman kayang naisip ng isang ito?
Letse, kinakabahan talaga ako sa takbo ng utak ni Chummy. Lagi pa namang pahamak dala nito sakin.
Sinenyasan niya pa akong lumapit sa kaniya at wala na akong nagawa nang itulak ako ni Fred palapit sa kaniya.
Inis komg tinignan si Fred na nag peace sign lang sa akin.
Mamaya ka saking kulot ka.
"Sumayaw ka." bulong ni Chummy sa akin.
"Anong sayaw? Di ako marunong sumayaw!" inis na sabi ko sa kaniya.
"Eh diba sabi mo sumali ka nun sa Tarantadong Pinoy?"
"Anong tarantado? Talentado yun, talentado. Isa nalang talaga masasabunutan na kita." gigil ko sa kaniya at tumawa naman siya. "At saka hindi ako sumayaw nun ah. N-Nag back flip lang ako sabay split ng tatlong beses." sabi ko sa kaniya.
"Ewan ko sa'yo noreen. Basta sumayaw ka nalang nang matapos na ito." sabi niya sa akin.
Maya-maya ay bigla siyang kumanta. "Watermelon, watermelon, papaya, papaya~"
Anak ng! Anong kanta to?
Nakita ko siyang pinanlakihan ako ng mata kaya no choice na rin ako kaya gumawa agad ng choreo.
"Banana, banana, banana, banana. Fruit salad. Fruit salad." kanta ni Chummy.
"Sing and dance with us!" sigaw niya at agad naman na nakikanta at nakisayaw ang mga bata.
"Watermelon, watermelon, papaya, papaya."
Lamunin na ako ng lupa!!!
Gusto ko nang maiyak sa kahihiyan. Ano na naman ba itong pinasok ko? Bakit puro nalang kamalasan nangyayare sakin matapos kong matanggal sa TWT? Huhu.
BINABASA MO ANG
Rhythm (SB19 Fanfic)
FanficAoi Noreen Ferrer was on the verge of achieving her dream of becoming a TV news anchor, but unfortunately, fate wasn't in her favor. After a sudden loss of her current job, she needed to find another one immediately to survive. Going from an aspirin...