🔻 Chapter 13

11 3 2
                                    

Chloe's POV

Kanina ko pa tinatawagan si Aoi pero hindi niya sinasagot. Hindi na ako mapakali at pakiramdam ko isusugod na ako sa ospital sa nerbyos.

"Sagutin mo ano ba..." Naiiyak na ani ko habang pabalik-balik ang tingin sa phone.

Putek naman kasi oh!

[Hello?]

"Ba't ang tagal mong sumagot ha?!" Singhal ko kaagad nang marinig ang boses niya.

[Huh? Problema mo? Nakatulog ako okay? Ba't tawag ka nang tawag? 68 missed calls?? nahihibang ka ba?]

"So, hindi mo pa alam ang balita?" Asik ko at matagal naman bago siya nakasagot agad.

[Anong balita pinagsasabi mo?] Mariin akong napapikit at napahilot sa sintido ko.

"My ghad Aoi, i think im dead." Seryosong ani ko saka napahugot ng hininga.

[Huh? Nakakatawag ka pa nga.] I

"GAGA! naglabas na ng statement si Hiro."

Saglit na tumahimik sa kabilang linya. Kaya taka akong napatingin sa phone.

Naka on-call pa naman.

Problema nun?

"Hoy?" Tawag ko sa kaniya.

[Oh my ghad!] Bulalas niya bigla kaya agad akong nataranta.

"Hoy, anyare?" Tarantang tanong ko. Jusko naman.

[Pinag-uusapan na kayo ni Hiro sa social media.]

"Yun na ngaaa! Hindi ko alam kung makakahinga ba ako dahil nagsalita na siya o mababahala dahil lalo lang lala ang sitwasyon ko! Aoi help huhuhu!" Naiiyak na usal ko. Halos lumuhod na ako dito sa sahig sa kwarto ko kahit hindi niya ako nakikita.

[S-Sinabi niyang girlfriend ka niya?] Tanong niya at tumango naman ako kahit hindi niya ulit nakikita.

Muling tumahimik sa kabilang linya. Narinig ko siyang napahugot ng hininga.

[Chloe, hindi to maganda. Malaking gulo to.] Dagdag niya pa at napakagat nalang ako sa kuko ko.

[Umabot na ng 3M yung views ng video. Wala pang isang araw.] Dagdag niya pa.

"P-Pero wala naman akong natatanggap na negative comments, wala ring death threats, payapa naman yung socmeds ko—" usal ko umaasang sana nga okay lang talaga lahat.

[Wala pa.] Dagdag niya na ikinabahala ko lalo. [Knowing Hiro's fans and layers, siguradong tsugi ka gaga. Malamang sa malamang hinahunting ka na ng mga yun.]

"A-Anong gagawin ko??" Umiiyak kong tanong at narinig ko naman ang muling pagbuntong hininga niya.

[Hindi ko rin—Noreeennn!!!] Dinig kong sigaw ng isang babae sa kabilang linya kaya agad kong nailayo ang phone sa tenga ko.

Ano yun?! Tsk.

[Oh my ghad, matutuwa ka sa ibabalita ko aahhh!]

Kumunot ang noo ko nang marinig iyon.

May kausap ba siya?

[Naalala mo yung babaeng ginawan mo ng article? Yung nagbato ng repolyo kay Hiro? Trending ulit sa socmed!]

Anak ng—

At bakit naman ikakatuwa yun ni Aoi?! Tsk.

[Girlfriend pala yun ni Hiro!! Kaya pala, talagang may something sa babaeng yun eh. Imagine, sa dami ng tao sa divisoria, si Hiro pa talaga yung aksidenteng nabato? And now inamin na nga na girlfriend niya ang impaktang yun. So, in short gumawa lang ng eksena yung babae para maipakilala siya ni Hiro. Siguro kating-kati na na ipakilala. Apaka talino nga naman talaga oh.]

Rhythm (SB19 Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon