🔻Chapter 14

9 1 0
                                    

Ken Suson's POV
(Luminus Resto Bar)

"Uy Ken gago! Ikaw pala yan. Sabi ko na parang pamilyar eh!" Bungad sa akin ni Maverick pagkababa niya ng stage. Ngiting-ngiti ito at marahang sinuntok ang braso ko.

Kakatapos lang kasi niyang kumanta kasama sina Joshuel at Jay. Mga kaibigan ko sila na nagbabanda rin. Dati ko silang kasama kaso yun nga natigil saglit dahil sa SB19, tas neto lang na nadisband kami ay hindi na ako makabalik sa banda nila dahil may naipalit na.

Kaya kung saan-saang banda na ako napadpad, makatugtug lang at kumita kahit papaano.

"Wala, namiss ko lang kayo." Natatawa at pabiro kong usal.

"Ba't di ka man lang nagsabi na dadaan ka?"

"Hahaha di ko rin talaga pinlano. Napadaan lang talaga." Sagot ko.

"Teka tawagin ko lang yung dalawa. Dyan ka muna." Sabi niya sabi niya saka dali-daling umalis.

Naghanap nalang ako ng bakanteng mauupuan. At nang makaupo ay umorder ng kaunting maiinom.

Marahan kong inilibot ang paningin ko sa lugar. Halos tatlong taon na rin nang huli akong makapunta rito. Marami ring nagbago. Pati mga server crew nila rito pansin ko mga bago rin.

"Uy pre!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Joshuel. Halos mabitawan ko ang basong hawak ko sa ginawa niya.

"Hayop to!" Natatawang usal ko.

"Hahaha magugulatin ka parin!" Tawa niya sabay upo sa harap ko. Nakita kong sumunod rin si Jay na agad kong kinamayan.

"Nasobrahan ka na sa kape tol." Usal ni Jay at napailing naman ako.

"Kumusta ka na nga pala?" Tanong agad ni Joshuel nang mapansin ang pananahimik ko.

"Tangina mo, ilang araw ka na di nag rereply sa gc ah? Huling balita mo samin aalis daw kayo ng management ba yun?" Biglang sulpot ni Maverick na ngayon ay may dala-dala nang apat na bote ng beer.

Akmang magsasalita ako nang pigilan niya

"Teka-teka mamaya mo na sagutin." sabi niya at inilapag isa isa ang mga inumin sa harap namin. Matapos nun ay prente itong naupo sa tabi ko. Di ko mapigilang matawa. "Mukhang mahaba-habang usapan to ah? Ge go! simulan mo na." Sabi niya at nagtawanan naman yung dalawa sabay batok sa kaniya.

"Nakasalubong ko si Gio nung nakaraan, tinanggal ka na raw sa banda nila. Anyare na naman ba?" Tanong ni Jay sa akin nang nakakunot ang noo.

"Dahil na naman ba sa SB19 yan?" Usal naman ni Maverick na ngayon ay matatalim na qng mga titig.

"Alam mo pre. Ito suhestiyon ko lang ah." Bigla ay sabat ni Joshuel na ngayon ay nagsisimula nang lumagok ng inumin. "Pag hindi mo kayang pagsabayin, pumili ka." Usal niya. "Kasi, siguro naman napapansin mo rin. Na laging dahilan kaya nagkakanda leche-leche ang pagbabanda mo dahil diyan sa SB19."

"Uy gago." Sita sa kaniya ni Maverick na ngayon ay nag-aalinlangang napatingin sa akin. "Umayos ka tangek." Bulong pa nito ulit na parang nagbabanta.

"Hindi, ito totoo talaga. Pumili ka." Giit niya sabay tingin ng diretso sa akin. "Alam ko kung gaano importante sayo ang pagbabanda pero kailangan mo may bitawan na isa, kasi may napapabayaan ka. At alam mo na kung ano yun."

Rhythm (SB19 Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon