🔻Chapter 5

26 6 7
                                    

Paulo's POV

Pagkatapos ng mahabang performance ay agad silang nagsibabaan ng stage. Pabagsak kong inilapag sa upuan yung mikropong gamit ko at walang ganang sumunod sa kanila pababa.

Halatang kanina pa pasipat-sipat ng tingin sa akin yung tatlo, alam kasi nilang kanina pa hindi maganda ang mood ko sa nangyayari ngayon.

Filler daw. Tangina.

Filler ba ang itatawag mo sa ganito kung kailan tapos na ang event at wala nang tao ay saka kami isasampa sa stage?! Hindi naman halatang gusto lang kaming ipahiya. Hindi naman halatang gusto lang kaming gawing tanga rito.

Kanina pa nakayukom ang mga kamao ko ngunit pinipigilan ko lang ilabas ang galit ko dahil kay Ate Rose. Kung hindi lang humabol si Ate Rose rito ay baka nagkakagulo na ngayon dito sa mall.

Ayoko naman siyang biguin. Hindi maipaliwanag yung tuwa sa mata niya kahapon nung malamang magpe-perform kami rito. Abala siya sa trabaho niya pero nagbigay siya ng oras para puntahan kami rito ngyon. Hindi pa naman ako ganoon kasama para sirain ang araw niya.

Naglalakad na kami papunta sa gawi ni Ate Rose, kanina pa siya namimigay nung mga walang kwentang flyers na hindi ko alam kung bakit pa kailangang gawin eh halata namang walang magkakainteres dun.

Masyado niya lang pinapagod ang sarili niya.

"Ate Rose!" tawag pansin ni Stell na naunang maglakad sa akin. Yumuko ako saglit para ayusin ang sintas ng sapatos ko na kanina pa pala natanggal bago ako muling nagtuloy sa paglalakad pasunod sa kanila.

Nahinto agad ako nang mahinto rin sina Stell at Josh sa harap ko. Taka akong nag-angat ng tingin at ganoon nalang ang pagkunot ng noo ko nang makita si Ate Rose na kausap si Noreen.

Hindi agad ako nakapagsalita nang magtama ang titig namin.

Anong ginagawa niya rito?

"Boys, may ipapakilala ako sa inyo." nakangiting usal ni Ate Rose sabay hila kay Noreen papunta sa gawi namin. Hindi naman mawala ang mga nagtatanong na tingin nito sa akin kaya ako na ang umiwas ng tingin. "She's Noreen. And she's a fan, right?" tanong ni Ate Rose kaya muli kong ibinalik ang tingin sa kanila. Nakita ko namang nagulat ito at halatang hindi inaasahan ang narinig.

"Ha? A-Ah oo... hehe fan nyo ako. Fan ako ng SB19!" napakamot siya sa batok niya sabay tingin muli sa akin. Tss. "Uh.. h-hi, n-nice to meet you all hehe."

"Nice to meet you too, Noreen." pilit ang ngiting usal ni Stell at pinasadhan pa ako ng tingin.

Why do they keep on looking at me? Tsk.

"Hi, Noreen." Kumaway naman si Justin and as usual with his gummy smile. Kumaway pabalik si Noreen habang yung dalawa naman ay tahimik lang sa likod. I can see Josh's different way of looking at Noreen maybe because of what happened last time. Nakita ko lang na kinaladkad niya si Noreen papunta sa harap ko.

Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari nun. Hindi ko na naitanong pa.

Nawala ang atensyon ko sa kanila nang biglang mag vibrate ang cellphone ko sa bulsa. I immediately took my cellphone out and to my surprise it's Venice, my ex.

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang sandaling iyon. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi.

Halos tatlong taon na, magmula nung huling lumabas sa screen ko ang pangalan niya kaya ganito na lamang ang rekasyon ko.

Bigla nalang siyang nagpakita kahapon at bigla nalang siyang nagpaparamdam ngayon. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang kailangan niya.

Huminga ako nang malalim para pigilan at mapanatili ang blanko kong emosyon. Kinalabit ko si Stell para sabihing sasagutin ko lang ang tawag bago ako tuluyang lumayo sa gawi nila.

Rhythm (SB19 Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon