Aoi Noreen's POV
"Aray, teka lang naman yung braso ko!" Reklamo ko nang bigla niya akong kaladkarin palabas ng gaming studio. Patulak niya pa akong binitawan nang makarating kay Kuyang Guard.
"Paano nakakapasok dito ang walang ID?" bungad niya kay kuyang guard na nataranta na rin.
Bakit ba hanap siya nang hanap ng ID? May poot ba siya sa mga ID at lagi nalang siyang galit pag wala ka neto? Kainis ah.
"Sorry sir, ang sabi niya kasi personal assistant siya ni Sir Hiro." usal nung guard at mabilis naman niya akong tinapunan ng tingin.
Hindi ko siya nilingon at nagkunwari akong walang pake.
"Huwag na huwag nyo na yang papapasukin dito." usal niya sa at agad na umalis.
Napasimangot nalang ako.
"Tsk. Napagalitan pa tuloy ako dahil sayo." bwelta naman ni Kuya Guard sakin.
"Lagi bang galit yun?" tanong ko bigla.
"Hindi nama yata. Ngayon ko lang nakitang galit yun." sagot ni Kuya Guard sakin.
"Bakit laging galit yun sakin?" Nakanguso kong bulong sa sarili. "Sige Kuya, salamat nalang. Di ko tuloy nahanap si Hiro. Tsk." usal ko at nagkusa nang umalis.
Akala ko makakausap ko na yung Hiro na iyon. Wala na akong ibang maisip para malinis ang pangalan ng kaibigan ko. Oo, alam kong kasalanan ko pero sobrang mapapadali ito pag si Hiro na mismo ang nagsalita.
Hays.
Hindi na ako nagtagal pa at bumalik na ng apartment ni Chloe. Naabutan ko siyang nagkakapae habang tutok na tutok sa laptop niya.
Nanunuod na naman siguro ito ng Kdrama.
"Ba't ang tagal mo?" tanong niya at nagulat naman ako sa tono niya ng pananalita.
"M-Mahaba kasi ang pila." palusot ko sa kaniya. Lumapit ako at inilapag sa harap niya yung mga binili kong gamot. "Gamutin na natin 'yan." usal ko at akmang hahawakan na sana ang braso niya nang bigla niya itong ilayo. Taka ko siyang tinignan.
"Problema mo?" inis kong usal. Nag iinarte na naman ang gaga na ito. Binilhan na nga ng gamot siya pa ang galit.
"Bakit hindi mo aminin sakin ngayon?" tanong niya bigla.
"Ha? Ang alin?" taka kong tanong at agad na napatitig sa screen ng laptop niya.
[Hiro binato ng repolyo ng isang basher sa divisoria. Basher galit na galit at pinagtangkaan pa ang buhay nito.]
Kinakabahan kong nilingon si Chloe na ngayon ay parang pinapatay na ako sa isip niya.
Ilang saglit pa ay nakatanggap ako ng sunod-sunod na hampas sa braso.
"Taena ka. Kasalanan mo naman palang hayop ka. Anong article itong pinanggagawa mo sakin ha!" Hindi pa siya tapos at pinaghahampas pa ang likod ko.
Panay ilag naman ako sa hampas niya. "Teka lang! Teka lang! Magpapaliwanag ako. Ano ba! Ang sakit ha! Pag ikaw sinapak ko—-Aray!"
BINABASA MO ANG
Rhythm (SB19 Fanfic)
FanfictionAoi Noreen Ferrer was on the verge of achieving her dream of becoming a TV news anchor, but unfortunately, fate wasn't in her favor. After a sudden loss of her current job, she needed to find another one immediately to survive. Going from an aspirin...