Aoi Noreen's POV
"Ugh!" napapikit nalang ako sa inis nang sunod-sunod na pumasok sa email ko ang mga articles na pinapa-edit ni Chummy. "—Bakit ang dami na naman? Para saan to?!" inis na bulong ko at napasabunot nalang sa sarili.
"Patingin nga." usal ni Carter at tinignan rin ang mga sinend na emails ni Chummy sa harap ng computer ko. "Madali lang 'yan. Ako na mag eedit. I organize mo nalang." usal niya at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa niyang pagp-print.
Nandito kami sa apartment ko. Syempre wala na akong nagawa kundi isama si Carter dito kasi supposedly break talaga namin ngayong araw na ito. Sarado ang office at wala si Boss Eddie dahil nasa Palawan raw para sa family vacation nila. Ngayon, tinawagan ako ni Chummy na urgent daw at kailangang magawa namin agad ang mga articles na ito dahil lilipad papuntang LA yung Extreme.
Imbes nasa ospital ako ngayon para bantayan si Kuya, eto at nagkakaundagaga akong tapusin lahat ng articles at pag-eedit na kailangan. Si Chloe muna pinabantay ko roon at pumayag naman siya.
Buti nalang talaga at mabait itong si Carter kaya nag offer siyang tulungan ako. Hindi siya sa field ko naka assign, actually for local news lang talaga siya at onsite yung mga task niya.
"S-Sigurado ka?" nahihiyang tanong ko sa kaniya. Tumango siya nang hindi ako naililingon.
"—I guess we can finish this before 6pm. Huwag muna tayong mag lunch." sabi niya pa at napanganga nalang ako.
Napatingin ako sa oras at malapit na mag alas dos ng hapon. Napahawak ako sa tyan ko dahil kanina pa nga ito tumutunog.
"S-Sige hehe. Kaya pa naman siguro." sabi ko at agad naman siyang napatingin sa akin. "Hindi ako gutom." sabi ko agad at matagal naman bago siya tumango at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula nang mag organize ng emails.
HINDI ko alam kung ilang oras na akong nakaupo at nakatutok sa harap ng PC. Sumasakit na rin ang mga kamay ko kakapindot sa keyboard. "Carter, naipasa mo na ba kay Chummy yung mga—" huh? Nasaan na yun?
"Carter?" taka kong tawag sa kaniya at tumayo na mula sa pagkakaupo para hanapin siya.
Baka nag CR lang.
Usal ko sa sarili ko at babalik na sana sa pagkakaupo nang biglang bumukas ang main door ng apartment.
Nakita kong pumasok si Carter bitbit ang dalawang box ng pizza.
"Saan ka galing?" taka kong tanong. Hindi niya ako sinagot at nilapag lang sa mesa ko yung mga binili niya. Mas lalo naman akong nagutom sa naamoy ko.
"Kumain ka muna." usal niya nang hindi ako nililingon.
Naglakad ako patungo sa mesa ko at binuksan yung pizza. "Ikaw?" nahihiyang tanong ko sa kaniya. Grabe naman kasi dalawang box yung binigay niya sa akin.
"Hindi pa ako gutom. Ikaw na muna kumain." sabi niya pa.
"Sure ka?" tanong ko at hindi naman niya ako sinagot dahil abala na naman siya.
Grabe ang sipag naman niya.
Hindi ko nalang siya pinansin pa at agad nang nilnatakan ang mga pizza. Habang kumakain ay naisipan kong mag FB muna saglit at para ichat na rin si Chloe kung kamusta na siya doon sa ospital.
Agad na kumunot ang noo ko nang makitang sunod-sunod na nagsisulputan ang mensahe ni Chloe. Kanina pa pala itong umaga.
[Gaga, may bisita kuya mo.]
[Puntahan mo muna kaya rito saglit.]
[HOYY ano isasagot ko? Tinatanong ako ano daw nangyare sa kuya mo!!]
[Amputek, di ako makapag text sayo wala akong load. I seen mo na please.]
[May alam ka ba sa nangyare sa kuya mo?]
[Kinakabahan ako sa lalakeng nandito. Ang dami niyang tanong huhu.]
[May kilala kang Francis?]
[Francis Tuazon?]
[Balik nalang daw siya pag andito ka na]
[May pinapabigay siya sayo. Di ko alam ano kasi nakalagay sa box]
[Uuwi ako mamayang 8pm. Kelan ka matatapos dyan?]
BINABASA MO ANG
Rhythm (SB19 Fanfic)
FanfictionAoi Noreen Ferrer was on the verge of achieving her dream of becoming a TV news anchor, but unfortunately, fate wasn't in her favor. After a sudden loss of her current job, she needed to find another one immediately to survive. Going from an aspirin...