Chapter 7

2.8K 56 1
                                    

I WAS having a good sleep when I suddenly heard an executive knocks sa pintuan ng kwarto ko. Nag-mulat ako ng mata at dahan-dahan na umupo sa kama. My eyes landed on the table where the lampshade, my phone and the alarm clock where at. Nakita kong alas-sais palang ng umaga.

"Thel?"I blurted out.

Naniniguradong si Thellianne ba talaga ang kumakatok. It's very unusual to Thellianne to woke up this early. Napaka-aga pa kumpara sa usual time na gumigising siya.

"Open the door Serene. Nadudurog na ang mga daliri ko kaka-katok sa pintuan mo." Yamot na ani nito.

Kumunot ang noo ko at hinawi ang kumot na naka talokbong sa akin. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang medyo magulong buhok at nighties na hindi naman daring tingnan. It was long na malapit ng sumayad sa sahig at mayroong napakanipis na strap na bumagay naman dito.

"Bakit? Ang aga mo yata ngayon a?" Ani ko.

"Naman. Kwarto ko ba naman ang mas malapit sa front door, magigising talaga ako." She said it with her flat expression. Natawa naman ako sa inakto nito.

"Staff?" Tanong ko. Umiling ito at ngumisi.

"May lakad ka pala. Hindi mo naman ako ininform hindi tuloy kita masasamahan. Nagpa-book kasi ako kahapon para magrelax tayo today. Gusto kong magpa-body massage."

"Wala akong lakad. Rason mo lang ata yan para hindi ako sumama no? May kikitain ka yata doon." Ani ko. Nanlaki ng bahagya ang mga mata nito.

"Anong nagrarason? Ansama talaga ng ugali ng mga buntis! Porket ba buntis nagkakaroon ng mild amnesia? Goodness! Hindi ako na-inform." Namumulang saad nito. Kumunot ang noo ko. Gusto kong humalakhak sa itsura ni Thellianne ngayon.

"At ano? Kikitain?" Napahawak ito sa noo.

"Aba malay ko. It just a hunch malay mo totoo." Mas lalo itong nakunsume.

Gusto ko ng maglupasay sa tawa pero pilit ko itong pinipigilan. Wala naman talaga akong lakad. Baka nanaginip ito at akalang  nangyari talaga ito sa reyalidad. Ganito pa naman din ako minsan.

"Alam mo kunti nalang lalanding tong mga daliri ko sa singit mo. Kay aga-aga iniistress mo ko." Irap nito sa kawalan.

"Totoo nga Thelly. Wala akong lakad ngayon na hindi ka kasama."

"Hindi naman ako magtatampo, wag kang pa-amnesia. Wag kang mag-alala pinicturan ko si kuyang sundo mo daw. Nasa labas yung tao. Nainterview ko na bago pa kita kinatok." Ani nito.

"Wait. Don't tell me tinotoo niya?" My heart went crazy. Napakabilis ng tibok nito. I shouldn't feel this way.

"Who? Ako sayo, magbihis kana baka namuklaklak na yung tao kakahintay sayo."

Hindi ko na ito sinagot bagkos ay pumasok agad ako sa kwarto at nag-ayos. I wore a white dress na abot hanggang ibabang tuhod with its thin straps and I paired it with white strapped sandals. I made my hair into a messy half pony tail since pinasadahan ko lamang ito ng mga daliri. Tumingin ako sa salamin at nakitang presentable na akong tingnan.

My mind keeps on wandering kung bakit ba ako nag-ayos agad at hindi muna kinompronta ang lalaking nasa labas. Ibig sabihin nito ay pumapayag ako sa gusto ng lalaking iyon. Nag-init ang pisngi ko sa naisip. I should refrain myself to this stupid act again. Hindi man lamang nag-iisip. Napaghahalataan ka yata Serene!

"Oyy! Ayos na ayos a? Magpapaultrasound lang naman." Ani ni Thellianne na nasa sala habang kumakain ng cereal. Nakataas ang isang tuhod nito na nakaapak sa inupuan nitong couch. Samantalang ang isang paa naman ay nasa sahig lamang. Nanonood ito ng palabas paglabas ko.

"Normal lang naman ang ayos ko." Ani ko. Naglakad ako papunta sa kanya at inagaw ang kutsara. Pinuno ko ng cereal ang kutsara at kinain. Natawa pa ako ng nalukot ang mukha ni Thellianne ng may lumabas na gatas sa bibig ko at diretso itong natapon sa bowl na kinainan namin.

"Ang baboy talaga." Patiling ani nito.

"Hindi naman. Parang ikaw lang kaya." Natatawang saad ko.

"Anong ako? Ang cute ko ngang kumain e."

Napahawak ako sa tiyan ko at hindi napigilang humalakhak. Nanlaki ang mata nito at aligagang tumayo.

"Babae ka! Baka lumabas ang inaanak ko ng wala sa oras." Tumawa ako at nagpaalam ng aalis.

"Sandali. Sasama na lang ako. Makukunsume lang ako doon sa Spa kakaisip kong ayos ka lang ba."

"It's okay Thelly. Kaya kong mag-isa. Sayang naman ang pinabook mo. Wag kang mag-alala pagkatapos ko pupuntahan kita. It'll be quick. I promise." Saad ko.

To be honest, I want Thelly to relax and feel free. Hindi ko naman siya sinama para maging instant assistant ko araw-araw. Oh obligahin sa akin. We're here to unwind and do whatever our hearts desire. In a good why though.

This errand is really unexpected. That man, he's really persistently annoying. I mean, not really. He was just acted like a boss yet in a sweet way. Well... whatever. I keep on thinking about this situation and it turns out weird. Really weird.

Dark Secrets Series: His Drastic DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon