Chapter 14

1.8K 48 1
                                    

NANG buksan ko ang front door ay tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Raven. He doesn't look pissed but his eyes screams that he's excited. I don't know why did I just said that, but I can definitely see how his eyes twinkled when I opened the door.

"Pasok ka,"nakangiting saad ko sabay kuha sa kamay nitong hindi okupado.

His expression doesn't change pero nakita ko ang bahagyang pag-awang ng mapupulang labi nito. Maybe he was surprised by my vocal action.

Nagpa-tiuna naman ito sa akin at naglakad kami papuntang kusina.

"I brought your requests,"ani nito sabay taas sa isang kamay kong saan naroon ang bitbit nitong itim na paper bag.

Kinuha ko ito at inilapag sa counter. Umupo naman ito sa stool na naroon sa gilid ng counter. Hindi ito mataas gaya ng kadalasang stool sa counter kaya ng umupo ito ay hanggang ilong ko nalamang ang ulo ni Raven.

"Thank you, Raven,"I said smiling. He always look at me the way I've never been looked before. I felt it since we've met.

Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pagkagulat nang hinapit nito ang baywang ko at dahan-dahang pinulot ang dalawang braso nito sa akin. Hindi ito masiyadong mahigpit pero ramdam ko ang katamtamang pag-laan nito ng bigat sa akin.

"Home..."he murmured while his face is on my chest. Sumikdo ang dibdib ko dahil sa biglaang aksiyon nito.

Yumuko ako at dahan-dahang pinakalma ang sarili. Tinaas ko ang isang kamay ko sa ulo nito. I gently brushed his shiny black hair. Napakalambot nito sa kamay ko habang ang isa ko pang kamay ay marahan ding hinahaplos ang likod nito.

I could feel that he loosen up, para itong batang yumakap sa ina matapos mapagod sa kakalaro.

"Are you sleepy?"tanong ko dito.

"No,"umiling ito ng marahan habang gano'n pa rin ang ayos namin.

"Inaantok ka na e,"marahang sabi ko at lumayo sa kanya ng bahagya. Hindi naman natanggal ang pagkakayap nito sa akin, bagkus ay tumingala ito sa akin at yumuko naman ako ng bahagya upang magtama ang mga mata namin.

"No. I'm just tired but I'm okay,"ani nito sa kalmadong boses. Seryoso pa rin itong nakatingin sa akin.

"Sandali, pupuntahan ko lang si Thelly,"marahang saad ko dito at kumawala na sa yakap nito.

Hindi agad ito bumitaw pero hinayaan na lamang ako nang matiyak niyang pursigedo talaga akong aalis.

Pinuntahan ko ang kwarto ko pero nang buksan ko ay walang Thelly ang prenting naka-upo. Maayos na bedsheet at comforter ko, ni isang gusot ay wala akong makita. Pati na rin ang soup ko na nakalimutan ko na ay wala na doon.

Lumabas ako ng kwarto at marahang kinatok ang pintuan ng kwarto ni Thelly ngunit walang sumasagot, kaya napagdesisyunan ko na lamang na pihitin ang seguradora at tumambad sa akin ang natutulog na Thelly. She looks so peaceful. Naka-dim na ang kwarto nito tulad ng lagi niyang nakagawiang matulog.

Lumapit ako dito at inayos ang kumot nito. Nakita ko pa doon sa side table niya ang tray na pinaglagyan niya ng pagkain kanina. Kinuha ko iyon at naglakad na palabas.

Nang nasa kusina na ako ay nakita ko ang mga nakaayos na hinandang nirequest ko kanina kay Raven. Inilapag ko naman sa sink ang tray bago lumapit sa banda ni Raven. Habang si Raven naman ay nakahalukipkip pero nakapikit.

Hinaplos ang puso ko sa nakita. Lumapit ako dito at hinaplos ang pisngi nito, nagmulat naman ito agad at umayos ng upo.

"Halika, doon nalang tayo sa kwarto ko para makapagpahinga ka,"suhisyon ko dito.

Dark Secrets Series: His Drastic DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon