Chapter 10

2.1K 49 1
                                    

"Ang ganda!"I exclaimed at kumawala sa hawak ni Raven ng bumungad sa akin ang magandang tanawin ng Cape Engaño Lighthouse.

Even though it looks very old dahil walang pintura o bakas na inayos o  nirenovate but still, it looks magical or enchanted. Mas lalong nag-paganda pa dito ang nga halaman na kung saan-saan lamang tumubo sa buong lighthouse.

"Watch your steps Serene,"saad ni Raven na nakasunod pa rin sa akin.

Sinakop ko ang mahaba kong buhok na nililipad ng may kalakasang hangin. Tanaw ko sa kinatatayuan namin ni Raven ang dalawang maliit na Isla na hindi kalayuan habang nasa likuran naman namin ang lighthouse.

"Sit down here Serene. Wag masiyadong malikot,"saad nito.

Nang lingunin ko ito ay naka-upo na ito sa tuwalyang inilapag nito. Napangiti naman ako dahil masiyado itong malaki kumpara sa tuwalyang inupuan nito. His legs were parted widely in a manly way. Nanlaki naman ng bahagya ang mata ko ng imbis sa tabi nitong pwesto ang pinagpag para upuan ko ay ang sa ginta ng mga hita nito iyon iniwistra.

"You serious?"maang na saad ko dito.

Hindi ito kumibo bagkos ay tumitig lamang ito ng mariin sa akin. His hazel eyes that making me feel like I'm melting. Nakakapanghina rin ito ng tuhod. Nang hindi pa rin ito kumibo ay dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nang nasa tapat na ako ay hindi ako umupo tulad ng nais nito.

Bahagya akong tumungo upang tingnan siya habang bahagya rin itong nakatingala sa akin. Hindi ko alam pero umangat ang kamay ko at bahagyang inayos ang ilang buhok nitong tinatabunan ang maganda nitong mga mata. Mataas ang pilik mata ko pero hindi makapal. However, Raven has a very thick and long eyelashes na gustong-gusto ko.

"Help me remove my sandals, please," mahinang ani ko.

Kumunot ang noo nito.

"No. Marurumihan lang ang mga paa mo,"saad nito habang nagsalubong ang dalawang kilay nito.

"Please?"

Hindi ito kumibo pero napangiti na lamang ako ng nagsimula na itong baklasin ang straps ng sandals ko.

"You have a very small feet,"saad nito ng matapos matanggal ng sandals ko. Napaiktad naman ako ng maramdaman ko ang init ng palad nito na hinahaplos ang namumulang mga paa ko. Nang tingnan ko ang paa ko ay halos magkasing laki lamang ng paa ko ang kamay nito. Parang sakop ng kamay niya ang buong mukha kong ilalapat nito sa mukha ko. Though hindi naman sobrang laki ng kamay nito. Bagay naman dahil malaking tao naman ito kumpara ko. Sadyang may kaliitan lamang ang paa ko dahil hindi naman ako matangkad o malaking tao tulad nito.

"Does it look bad?"

"No. It makes you look perfect Serene,"napaiwas na lamang ako ng tingin dahil sa sinabi nito. Napahimas ako ng tiyan dahil parang may kalarong paro-paro ang anak ko sa loob ng tiyan ko.

"Ang seryoso mo naman,"saad ko.

"Sit down here Serene,"seryosong saad nito. Nang gumalaw ako para sumunod sa gusto nito ay itinabi nito ang sandals ko at inilapag sa ibabaw ng tuwalya na ikinagulat ko. Para itong hindi nag-iisip. Marurumihan ang tuwalya!

"Raven! Ilapag mo lang yan sa tabi. Narurumihan ang tuwalya,"inis na ani ko at hindi ko napigilang humampas sa balikat nito.

"I'm s-sorry. Nadala lang ng emosyon,"kinakabahang saad ko.

"Patatawarin lang kita kong uupo kana. Ang likot-likot mo. Ang sarap mong itali sa tabi ko."

Agad naman akong umupo at tudo alalay naman ito sa akin. Mas napadali pa nga nitong alalayan ako dahil sa gitna ng hita nito ako umupo tulad ng gusto nito. Naibigay ko ang lahat ng bigat ko sa kanya pero parang ang gaan ko ng dahan-dahan nito akong ini-upo. Kumalabog ang dibdib ko pero hindi dahil sa kaba. Ayokong pangalanan ito dahil natatakot ako. Parang napag-isip kong hindi pwede ito. I don't deserve him. Masiyado siyang perpekto at hindi bagay sa aking magustuhan siya.

I feel ashamed ng maalala ang kaartehan at naisip ko nung oras na sinundo ako kanina.

"Raven?"

"Hmm?"malamyos na ani nito.

Naipikit ko ang mga mata ko ng maramdaman kong marahan nitong hinahaplos ang tiyan ko. Hindi ko na lamang ito sinaway. I feel safe and comfortable though.

"Wala ka bang girlfriend?"saad ko sa mahinang boses.

"Wala."

"Sa tingin mo...normal lang tong ginagawa natin dahil doktor ka?"saad ko at nilingon siya.

Tumingala pa ako para makita ang ekspresyon niya na nakatingin rin pala ito sa akin. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero gusto kong makita bawat reaksyon sa sagot niya. Hindi ko alam kong gusto ko ba talagang marinig ang sagot niya.

"Ang alin?"

"Ito? Parang yakap-yakap mo na ako,"I can't help but puoted my lips a little.

"Oo."

"Talaga? Ginagawa mo rin ito sa iba?"malamyang saad ko.

"Hindi. Ibig kong sabihin ay normal lang tong ginagawa ko sayo dahil ikaw naman ang babaeng gusto kong gawan ng ganito," ani nito at nag-iwas ng tingin.

He looks emotionless but his ears says it all. I giggled by his reaction. Napatingin naman ito sa akin at salubong na naman ang dalawang kilay.

"Hindi kita maintindihan."

"It's not yet the time Serene. Give me more para maintindihan mo ako," hinawakan nito ang pisngi ko at dahan-dahang iniharap sa kanya.

"Ginagawa mo ba ito dahil naaawa ka sa disgrasyadang tulad ko?"

"Stop thinking that way Serene,"ramdam ko sa tuno nito ang galit at irita na ikinagulat ko.

"I'm sorry."

"It's not your fault 'kay?" At hinalikan nito ang gilid ng noo ko. Parang huminto ang paghinga ko sa ginawa niya.

"Alam ko."

"Don't worry. I will help you. Makukuha mo ang hustiyang para sa iyo Serene. I promise you that,"bulong nito sa akin na nagpatindig ng mga balahibo ko. Nararamdaman ko na naman ang awra niyang nakakakilabot.

"Raven,"hinaplos ko ang kamay nitong nakahawak sa tiyan ko. I want him to calm down. Bumuntong hininga ito at hinalikan ang buhok ko.

"Gutom ka na ba?"mahinang ani nito na parang kinikiliti ang tenga ko. Tumango naman ako bilang tugon.

Walang kahirap-hirap nitong iniabot ang paper bag na bitbit niya kanina. Hindi ko alam na pagkain pala ang laman non dahil wala naman akong nakitang brand ng pagkain na nakaprint doon. Akala ko pa nga na lalagyan ito ng tuwalya at trip lang ni Raven na bitbit ang tuwalya kahit may paper bag naman.

"Ano yan?"I enthusiastically said.

"Your favorites," baliwalang saad nito. Napatitig naman ako sa kanya. Raven always surprised me. Even in simplest way.

"Talaga? Papano mo nalaman?"manghang saad ko ng makitang puro paborito ko nga ang naroon. Walang kahirap-hirap nitong inilabas ang mga pagkain kahit nasa pagitan ng mga hita pa rin ako nito naka-upo.

"Sa akin na lang yon,"napatawa naman ako sa saad nito.

"Ang cute mo naman. Thank you," ani ko sabay kurot sa pisngi nito.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi naman ito nagalit sa ginawa ko. Imbis ay hinamas lamang nito ang tiyan ko.

"Kumain kana. It's all spicy. You love that don't you?"bulong nito. Napangiti naman ako bago tumango.

"Hand me that one please,"sabay turo sa chicken bucket. Amoy palang ay naglalaway na ang bagang ko.

"Here. Dahan-dahan lang sa pag-kain,"paalala nito.

"Opo," patuyang saad ko. Imbis na masamang tingin ang sagot nito ay hinalikan lamang ako nito sa gilid ng noo.

Dark Secrets Series: His Drastic DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon